• Home
  • Fresh Scoops
  • Wenn Deramas on working with Bimby Yap: ‘Yung bata ay katulad ng kanyang ina’

Wenn Deramas on working with Bimby Yap: ‘Yung bata ay katulad ng kanyang ina’

Wenn Deramas admits he bonded immediately with Bimby Yap.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

12/24/2014 9:19 AM
Wenn Deramas on working with Bimby Yap: ‘Yung bata ay katulad ng kanyang ina’


122414-wenn_main.jpgThe Amazing Praybeyt Benjamin director Wenn Deramas said the sequel to his blockbuster hit is going to be even more epic than the first one. “Siniguro namin na yung kuwento ay hindi lamang pang-Pilipinas. Katulad nung prinomise sa part one na pang-global na si Benjamin. Kumbaga naiimbitahan na siya ng iba't ibang nation para sumolusyon sa katulad natin ay problema ng terrorista. So yung opening nga nito ay sa France ginawa. Sa Paris, sa Paris-tern university sa Morayta lang ginawa, para mura (laughs). Yung kuwento ay umiikot ngayon sa kung paano ba ang isang ordinaryong baklang una ay hindi matanggap ng pamilya tapos finally natanggap dahil nagbigay ng sobra-sobrang karangalan sa kanilang pamilya ay paano na ngayon kung ang buong mundo na ang umaasa sa kanya?” he said.

Direk Wenn shared why he is not worried about going up against MMFF heavyweights like Kris Aquino's Feng Shui 2 and Vic Sotto's My Big Bossing. “Pinanghahawakan ko yung laki ng kinita ng unang Praybeyt Benjamin and to think hindi pa siya festival nung in-ere namin yun naka-P342M,” he admitted.

Direk Wenn said he was careful to make it a gender-sensitive film. “Oo, lagi ko yung sinisigurado at sa pagkakatanda ko sa pelikula tuwing sumasali kami sa MMFF nakukuha namin yung award na yun like sa Tanging Ina at sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Sana makuha ulit namin,” he added.

Apart from the original cast, Direk Wenn said the addition of Kris Aquino's son Bimby Yap made things more interesting on the set. “Nung una siyempre nahirapan ako mag-Ingles (laughs). Biro lang. Yung bata ay katulad ng kanyang ina ay charming. Tapos hindi ko rin alam kung anong magneto meron ako dahil gustong gusto niya ako. Pag dumarating siya, kumakandong sa akin. Ako ata ang tunay niyang ina at hindi si Kris (laughs). So alam ko na gusto niya ako. Nagagamit ko yung paraan para mapasunod siya. Sumusunod naman siya ng husto. At dahil hindi ko naman napanuod yung first movie niya, pag tinatanong ko kung okay ba, sabi nila ang laki laki daw ng improvement nung bata,” he said.


122414-wenn_main.jpgThe talented director was also impressed by the dedication shown by Richard Yap in his first foray into comedy films. “Nakakagulat kasi siyempre napapanuod natin siya sa dalawang show na parang ang role niya ang sungit, sa Be Careful [with my Heart] at sa [My] Binondo Girl. Pero dito si Vice Ganda ang makakapagpatunay na nag-te-take six si Vice at silang lahat sa kakatawa kay Richard Yap. Kasi nakakatuwa pala yun kapag ang poker face ng mukha tapos nag-jo-joke. Tapos hindi niya alam na joke (laughs). Tapos hindi siya natatawa eh. Kahit na ano na talaga ibigay namin, tumatawa na yung mga crew, sila Vice mismo natatawa, pero siya talaga take one hindi siya natatawa. Nakakatawa,” he recalled.

To make the army scenes more believable, direk Wenn said The Amazing Praybeyt Benjamin actor Eddie Garcia was a big help because he used to be a member of the Philippine Scouts. “Ang totoo malaking tulong sa akin si direk Eddie Garcia kasi every time meron kaming mga eksenang tungkol sa costumes or posisyon or ultimo pagsaludo sa kung sino lang ang dapat sinasaluduhan, si direk Eddie ang nag-po-provide nun sa akin,” he admitted.

After making numerous box office hits, direk Wenn also admitted he is open to considering making an indie movie someday when time permits. “Kapag may maganda at kaya kong gawin na materyal kasi sa ngayon, gaya nitong taon na ito tatlong pelikula hindi na kinaya. Next year apat ulit yung naka-schedule. Kung kakayanin ng schedule bakit hindi? Gusto ko rin naman yun. Pero yung mag-artista sa indie hinding hindi ko po uulitin,” he said.