• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice says she’s not going to propose to girlfriend Alyssa Quijano yet

Charice says she’s not going to propose to girlfriend Alyssa Quijano yet

Charice Pempengco says she and Alyssa Quijano are living together and already feels ‘settled’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/24/2014 9:18 AM
Charice says she’s not going to propose to girlfriend Alyssa Quijano yet


122414-charice_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, inspired si Charice Pempengco sa pagpapakasal ni Aiza Seguerra at ni Liza Dino, ngunit wala pa sa isip niya ang magpropose sa kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano. Nandun na diumano ang feeling na “settled” na sila ni Alyssa lalo pa’t ayon kay Charice, “We are living together po.” Pareho rin silang turning 23 kung kaya’t marami pa silang kailangan gawin.

Aminado si Charice na best Christmas niya ito dahil naayos na ang gusot sa kanyang pamilya at magpapasko siyang kasama ang kanyang pamilya pati na rin ang pamilya ni Alyssa. Bumalik na rin ang dati niyang manager na si Grace Mendoza.

Kinwento rin ni Charice ang pag-share niya ng blessings sa Cabuyao, Laguna noong December 22, kung saan siya nag-aral ng grade 1. Natawa diumano ang mga bata ng ikuwento niya sa kanila ang pagsali niya ng beauty contest noong siya ay grade 5. Masaya si Charice nang maalala niya na nanalo siya ng first runner up at maraming special awards sa naturang beauty contest. Dagdag pa niya, “naka-bikini ako no’n.”

Tuwing may okasyon sa pamilya ni Charice ay nakasanayan na nilang mag-give back. Alam daw niya ang pakiramdam ng nabibigyan kung kaya gusto rin niya ibahagi ang kanyang blessings. 

Pinansin ng host na si Boy Abunda ang pagbawas ng timbang ni Charice. Ayon kay Charice, mayroon siyang personal trainer at sinasabayan din niya ito nang pag-diet.