Vice Ganda clears up rumors about ‘Kevin’

Vice Ganda explains why Bimby Aquino-Yap asked him if Kevin is his boyfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/23/2014 9:22 AM
Vice Ganda clears up rumors about ‘Kevin’


122314-vice_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinagot ni Vice Ganda kung sino si Kevin sa buhay niya. Ayon kay Vice, si Kevin Alas ay isang PBA player na kabilang sa team ng Talk and Text. Nakilala diumano ito ni Bimby Aquino-Yap dahil naka-chat ni Bimby si Kevin sa messenging app na We Chat kung saan may group chat si Vice at ang kanyang mga kaibigan. Paglilinaw ni Vice, hindi niya boyfriend si Kevin dahil kung “jowa” niya ito ay hindi nila makikita na kasama niya itong lumalabas. “Hindi ko nilalabas ang boyfriend ko,” ani Vice.

Tinanong din si Vice tungkol sa diumano’y tampo ni Toni Gonzaga sa kanya. Ayon kay Vice, “In-assume ko lang na nagtatampo si Celestine.” Naramdaman niya ito nang nagpapraktis si Toni and Alex para sa Christmas Special ng ABS-CBN dahil hindi siya nito pinapansin.

Hindi man nagtampo si Toni, inamin ni Toni na na-“feel bad” siya dahil sinabi sa kanya ni Alex na “waley ka na (Toni) raw simula nang dumating ako (Alex) dahil funnier ako,” at sinabi ni Alex na si Vice ang nagsabi nun. Pagpapaliwanag ni Vice hindi ganun ang sinabi niya. Ang sinabi lang niya diumano kay Alex ay, “Funny ka rin pala, at baka in the coming years e baka mas mag-drama na lang si Toni dahil baka mag-give way na siya sa’yo sa comedy.” Kwento pa ni Toni kay Vice, tinanong niya sa kanyang boyfriend na si Direk Paul Soriano at sa kanyang Mommy kung totoong “waley” na siya.

Magkakaroon din ng one on one interview si Vice kay President Noynoy “PNoy” Aquino sa Malacanang na magiging unang episode ng Gandang Gabi Vice sa 2015.