Andi Eigenmann recalls her Tragic Theater accident

The actress believes her accident had something to do with her Latin dialogue.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/23/2014 9:22 AM
Andi Eigenmann recalls her Tragic Theater accident


122314-andi_main.jpgNAGKAROON ng “tragicexperience si Andi Eignemann habang sinusyuting ang pelikulang Tragic Theater nu’ng October na idinirek ni Tikoy Aguiluz para sa Viva Films na ipalalabas naman sa Jan. 8. Aksidenteng nahulog si Andi na nakataling harness sa kanya habang may eksenang naka-hang siya sa ere.

Ayon sa  direktor ng pelikula, maaaring ang mga Latin lines na dialogue ni Andi habang naka-harness ang dahilan kung bakit siya nahulog. Sinang-ayunan naman ito ng aktres.

We all know that the film is about exorcism and possession. We were shooting that scene na nakalutang ako sa ere as seen on the trailer. Tapos, habang nagtu-throw lines kami ni Kuya John (Estrada), because I needed to practice my lines because I was speaking in Latin.
    
”Habang nagre-rehearse at nagtu-throw lines kami ni Kuya John, as I blurted out my first line, pumiglas ’yung tali ng harness. I fell about between 10 and 15 feet off the ground,” simulang kuwento ng isa sa mga bida ng Tragic Theater.

Nagpapasalamat si Andi na kahit naaksidente sa syuting ay hindi naman daw siya nagkaroon ng serious injuries.

I was just very lucky na walang serious injuries internally and externally. But I did have a very big black bruise on my right thigh, tapos sobrang namaga po siya and I couldn’t walk for a few weeks. 
    
“Tapos ’yung lower back ko rin po ang natamaan. But sobrang swerte ko rin po na ’yun lang ang nangyari sa akin.

“Hindi raw ako gumalaw, eh. Pero thankfully, dahil kung gising ako, kung aware ako sa nangyari na I was falling, baka gumalaw ako or something, baka ’yung bagsak ko, mas masama,” pagre-recall pa niya sa shocking experience.

Sa Tragic Theater ay gagampanan ni Andi ang role ng isang taga-Department of Tourism na magre-rehabilitate ng Manila  Film Center kung saan maraming namatay nang gumuho ito.

Ang pelikula ay base sa tunay na pangyayari noong 1981 nang gumuho ang Manial Film Center na ikinamatay ng maraming trabahador na natabunan ng gusali. Pero kahit based sa true story, fictional ang mga pangalan ng character na ginamit ni Direk Tikoy sa pelikula.

Hindi pa raw ipinanganganak during that year si Andi kaya wala pa siyang muwang sa nangyari sa film center na gumuho.

“Hindi pa ako tao no’n at wala rin akong masyadong alam sa nangyari. Nag-relay na lang ako sa script at sa kuwento nila sa akin habang ginagawa namin ang pelikula,” sey pa niya.

Kinilabutan naman si Andi nang malaman kung paano namatay ang mga trabahador sa film center at sa kuwentong madalas na nagpaparamdam at nagmumulto ang mga ito.

“Wala naman akong na-feel na nagparamdam sa akin while doing Tragic Theater except nga do’n sa naaksidente ako. Maybe because hindi kam do’n nag-shoot sa mismong film center. Kasi kung do’n, mas lalo akong kikilabutan,” sabi pa ni Andi.

Bukod kay Andi at John, kasama sa Tragic Theater si Christopher de Leon.