• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla comments on bashers' reaction to Jasmine Curtis-Smith saying they are friends

Daniel Padilla comments on bashers' reaction to Jasmine Curtis-Smith saying they are friends

The teen star says his family should not be involved in his issues.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/22/2014 3:32 PM
Daniel Padilla comments on bashers' reaction to Jasmine Curtis-Smith saying they are friends


122214-daniel_main.jpgKasama si Daniel Padilla sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbibidahan ng uncle niyang si Robin Padilla kasama sina Vina Morales, tatay niyang si Rommel Padilla, Isabel Oli, Jasmine Curtis at Eddie Garcia.  Ipapalabas ito sa araw ng Pasko para sa Metro Manila Film Festival.
 
Siya ang magsisilbing narrator ng pelikula at gaganap din bilang isang ordinaryong estudyante.
 
Kahit isang historical film ang Bonifacio at malayo sa romcom na ginagawa ni Daniel, alam daw niyang magugustuhan din ng fans ang kanyang pelikula.
 
“Tanggap naman nila ang pelikula ko at kailangan nilang panoorin para masabi natin kung ready na ba sila na makita akong seryoso. Hindi naman kami patawa-tawa dito, pero magaan pa rin… At siguro, yung mga totoong sumusuporta sa akin, kesa magreklamo, magpasalamat na lang na meron akong ganitong pelikula,” pahayag ni Daniel.
 
Actually, di na nga po ako umarte dito, eh, kasi estudyante naman po ang role ko dito. Bata naman po ako, ano pang iaaarte mo? Naging natural na bata po kami dito ni Kuya RJ (Padilla) na gustong matuto kaya hindi na kailangang mag-adjust,” say pa niya sa tanong kung kinailangan pa ba niyang mag-adjust sa pag-arte.
 
Suportado rin ba siya ni Kathryn sa latest project kahit hindi niya ito kasama sa pelikula?
 
“Siyempre naman. talagang proud si Kathryn, kaya nga, bakit hindi natin gayahin si Kathryn? Bakit di na lang tayo maging proud dito? Si Kathryn, talagang happy siya sa project ko… Ako naman siyempre very happy dahil sa suporta niya sa akin,” hirit pa ng aktor.
 
Hindi maiwasang masaktan at malungkot ni Daniel sa pangba-bash sa kanya at sa pamilya niya na sa social media na naglabasan pagkatapos ng unang presscon ng Bonifacio kung saan hindi siya nakadalo at pagkatapos sabihin ni Jasmine Curtis-Smith na “saktong friends sila ni Daniel.”
 
“Nalungkot po ako talaga,” buntong-hininga ng Teen King. “Alam ni Papa ‘yon. Nalungkot po ako dahil malungkot yung nangyayari sa social media… kaya ayoko niyan (social media), eh, di ba?
 
“Nakakalungkot na ang babata pa, eh, kung anu-ano nang sinasabi sa akin, na akala mo ay kung sino ng marurunong. Kahit si Papa, si Tito Robin dinadamay, di ba? Masyado silang nagmamarunong!
 
“Nakakalungkot dahil nu’ng presscon, wala ako no’n dahil siyempre, may trabaho ako. Mas binigyang-pansin ‘yung bagay na tapos na at di naman na dapat pansinin pa… Ito na ba yung mga kabataan ngayon?” balik-tanong ni Daniel.
 
“Ginagawang big deal ang mga bagay na di naman dapat bigyan ng pansin? Buti na lang nandyan ang aking mga kaibigan, sina Papa para tulungan ako…
 
“Magaling nga sila ngayon, eh, kasi tinamaan nila ako (referring sa kanyang bashers). Dati naman, di nila ako tinatamaan, eh. Ngayon medyo, kasi bumanat sila sa pamilya ko… Nakakalungkot na ganu’n sila. Kung ayaw nila, eh, di wag nila. Di ko po sila pinipilit!” dire-diretsong pahayag ng Teen King.
 
May hirit pa ulit si Daniel sa bashers na masyadong nagda-down sa kanyang pagkatao.
 
“Ang dami kasi talagang nagmamarunong na ang akala mo ay sila na ang nagpapakain sa amin, na parang sila ang nagpalaki sa amin…nakakalungkot. “Alam ko naman kung saan ako nanggaling. Wag na lang sana nilang idamay ang pamilya ko at kung sino man,” patuloy pa niya.
 
Halatang malaki ang epekto kay DJ ng pamba-bash sa social media kaya niya nasasabi ang mga ganitong bagay.
 
“Opo, eh. Naapektuhan ako kasi hindi lang naman ako ang involved dito, eh, marami pong nadadamay. Eh, kung ako lang, walang problema, 'di ba? Walang problema sa akin, kayang-kaya ko ‘yon, pero yung maraming naaapektuhan, ayoko po no’n, na parang ramdam ko ‘yon na kasalanan ko talaga kung bakit… mahirap, mahirap talaga,” emosyonal niyang pahayag