• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto on Ryzza Mae: She’s not just an ordinary child actress

Vic Sotto on Ryzza Mae: She’s not just an ordinary child actress

The comedian says Ryzza is a very professional star.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/21/2014 4:58 PM
Vic Sotto on Ryzza Mae: She’s not just an ordinary child actress


122114-vicryzza_main.jpgAng komedyanteng si Ruby Rodriguez pala ang tunay na mentor at discoverer ng magaling na child actress/host na si Ryzza Mae Dizon na kasamang bida ni Vic Sotto sa pelikulang My Big Bossing na palabas na sa Dec. 25 in time for the Metro Manila Film Festival.
 
“Ako ang nagpumilit sa staff ng Eat Bulaga na ipasa si Ryzza sa Little Miss Philippines audition. That time kasi nando’n ako at nu’ng makita ko siya, may nakita akong kakaiba sa kanya, merong X-factor, eh kaya sinabi ko na ipasok siya sa daily kahit maging panabla na lang,” kuwento ni Ruby.
 
“Tingnan n’yo naman ngayon kung nasaan na si Ryzza? Hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko. Buti na lang nakita ko siya at nando’n ako sa audition...” patuloy na kuwento pa niya.
 
Napansin namin na sa billing ng My Big Bossing ay pantay sa laki ang pangalan nina Ryzza Mae at Vic. “Deserve naman ‘yon ni Ryzza,” pagtatanggol naman ni Vic.
 
“Pagod na pagod siya (Ryzza) sa pelikula dahil kasama ko siya sa tatlong episodes (Taktak, Prinsesa at Sirena) kaya pantay lang dapat kami,” katwiran pa niya.
 
“Sa Sirena kailangan niyang matutong lumangoy at mag-scuba na parang dolphin. Sa Taktak naman ay kailangan niyang gayahin si Nora Aunor sa Himala, tapos sa Prinsesa, dapat feeling prinsesa siya talaga... Mahirap yung tatlong role niya pero kinaya niya,” kwento pa ni Vic.
 
Dahil sa galing at pagiging very professional ni Ryzza ay puring-puri siya ni Bossing Vic.

”She’s not just an ordinary child actress. Actress talaga siya. Totoo ‘yon,” pagmamalaki pa niya. 
 
Si Ryzza Mae din daw ang nakita  niyang child actress na ipinapaulit ang eksena kapag hindi niya ito nagustuhan.
 
“Pack up na si Direk Joyce pero ang tagal  nakalabas ni Ryzza. ‘Yun pala, humingi ng take 2 si Ryzza. Humingi ng take 2 dahil gusto niyang magpatulo ng luha sa isang mata. Ganu’n siya.”

Maging kay Marlon Rivera na direktor ng Taktak ay ipinaulit din  nito ang kanyang eksena.
 
“Nalokah nga si Marlon sa kanya, eh, kasi tapos na ang eksena, pero humingi pa rin ng take 2. Iseset up na yung next scene, pero maya-maya, ibinalik yung set kasi gusto raw niyang umiyak.
 
“Ganu’n  kaseryoso si Ryzza. Nakakatuwa. And at the same time, makikita mo, nagenjoy siya sa kanyang ginagawa... ‘Yun bang, ‘Hindi trabaho ‘to, eh. I know what I’m doing, I know this is acting but at the same time, we are playing, we are enjoying what we do,” sambit pa ni Vic na halatang amaze na amaze sa kay Ryzza.