• Home
  • Fresh Scoops
  • Tikoy Aguiluz says he got affected by Andi Eigenmann's accident on his set

Tikoy Aguiluz says he got affected by Andi Eigenmann's accident on his set

The film maker also reacts on Tragin Theater's X rating by the MTRCB.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/21/2014 4:38 PM
Tikoy Aguiluz says he got affected by Andi Eigenmann's accident on his set


TT.jpgNABIGYAN ng X rating ang trailer ng pelikulang Tragic Theater na idinirek ni Tikoy Aguiluz at prinodyus ng Viva Films na pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, John Estrada at Christopher de Leon, pero hindi malinaw sa direktor kung bakit na-X ang kanyang pelikula.
 
Actually, mabuti na lang hindi ako ang producer ng pelikula, so yung mga problemang ganyan, kaya na siguro ng Viva na i-handle yan. Ang sa akin lang, first reaction ko, nag-post ako sa Facebook, siyempre nag-react ako kasi horror naman ang pelikula ko. Sanay ako sa X sa ibang pelikula ko dahil bold films. Pero dito, horror film, nagulat ako kung bakit ganun, so nag-react ako. And then yung Viva na ang nag-ayos,” pahayag ng batikang direktor.
 
Ang Tragic Theater ay base sa totoong pangyayari sa Manila Film Center noong 1981, hindi ba natatakot si Direk Tikoy na may mga kumontra sa kanyang pelikula particular ang mga Marcoses?
 
“Pag gumawa ka kasi ng isang project dapat handa ka na sa lahat, eh. Yung mga comments, yung mangyayari sa MTRCB, kung tatanggapin ba ng mga tao… ang attitude ko ngayon pagtapos na, move on na ako sa next project, tapos sana naman maganda ang labas.
 
“Ako, personally, alam ko naman kung anong sasabihin ko, luckily, andiyan naman ang Viva, sila na ang bahala kung anuman ang mangyari. Pero personally, pag ako ang tinanong, sasabihin ko yung aking gustong sabihin which is… siyempre, nagtataka ako kung bakit bawal magsyut sa film center, bakit may cover-up, bakit lumalabas na hindi totoong may mga namatay… yon ang mga hindi ko maintindihan.
 
“Siyempre, personally as a director, tatanungin ko ‘yon at kung bakit hindi ko puwedeng gamitin sa pelikula ang word na ‘Manila Film Center? But I’m lucky, meron akong producer, bahala na ang Viva diyan,” reaksyon ni Direk Tikoy sa isyu.
 
Naibahagi rin ni Direk Tiko na ang biggest challenge niya sa paggawa ng Tragic Theater ay nu’ng maaksidente ang artista niyang si Andi.
 
“Tinamaan talaga ako do’n, yung pagkaaksidente ni Andi ang naging malaking challenge sa akin habang ginagawa itong pelikula. ‘Yon yung the most worrifying experience in my life. Nakita kong napatid yung harness in front of me… nakita ko ‘yon.
 
“Nakita ko rin siyang bumagsak… Walang makakatalo no’n sa experience na ‘yon sa lahat ng horror movies na napanood ko.
So after that, nalampasan ‘yon miraculously, hindi siya na-harm,” kuwento pa ng direktor.
 
Very much identified si Direk Tikoy sa paggawa ng mga pelikulang may temang sex pero sa Tragic Theater, wala raw element ng sex dito.
 
“Sa Asiong Salonga, wala rin namang sex do’n. Siyempre, dito wala din kasi horror naman ito. Pero kung may producer na gusto ulit akong gumawa ng ganu’n, gagawin ko. Matagal-tagal na rin naman akong hindi gumagawa ng sexy movie, eh,” pabiro niyang pahayag.
 
Ipalalabas na ang Tragic Theater sa Jan. 8 na magiging pang-opening salvo ng Viva Films.