• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennylyn on possibility of falling for Derek: 'Hindi natin masabi kung anong pwede mangyari'

Jennylyn on possibility of falling for Derek: 'Hindi natin masabi kung anong pwede mangyari'

The actress describes the actor as 'napakabait' and patient.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2014 9:03 PM
Jennylyn on possibility of falling for Derek: 'Hindi natin masabi kung anong pwede mangyari'


120214-jen_updates.jpgKahit parehong unattached at single, hindi na-link sa isa’t isa ang mga bida ng pelikulang English Only Please na kasali sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Pasko.
 
Na-maintain ng dalawa na nasa “professional” level lang ang kanilang relasyon. Magkaganun man, kitang-kita ang magandng chemistry ng dalawa sa trailer ng pelikula.
 
Ano ba ang mga na-discover ni Jen sa kapareho while they are working for English Only Please?
 
“Si Derek, masayahin pala. pag nakita mo siya sa simula, parang ang suplado, sobrang seryoso, pero masaya naman palang kasama. Mabibiro mo naman pala.
 
“Tapos pareho kami ng napag-uusapan, pareho kaming mahilig sa sports, mahilig sa pagkain, mga matatamis. Tapos ano pa ba? Napaka-professional niyang katrabaho. Kasi nu’ng time na nagsusyuting kami, alam naman natin na may pinagdadaanan din siya, pero hindi namin siya kinakitaan na parang walang gana o may problema... Very professional siya.
 
May ugali rin si Derek na gustung-gusto ni Jennylyn.
 
 
“He’s very patient. Ang patient niya. Napakabait na tao. Tapos pag may problema ka, patatawanin ka niya. Ichi-cheer-up ka nya. Tatanungin niya kung anong gusto mo... napakabait niya, ” pagde-describe pa niya kay Derek.
 
Eh, what if ligawan siya ni Derek? Ano ang possibility na ma-inlove siya dito?


“I don’t know!” mabilis niyang sagot. “Hindi natin masasabi kung anong puwedeng mangyari, pero... ah, hindi ko pa po alam, kasi hindi nga po natin alam kung ano ang mangayayari sa future. Ha-ha-ha!
 
“Pero tuwing nagkikita kami, masaya po kami kasi alam namin yung mga kalokohan namin sa isa’t isa,” natatawa niyang reaksyon.
 
Inamin din ng aktres na hindi na sila nagdi-date ng non-showbiz suitor na nali-link sa kanya.
 
“Ah, wala na ‘yon. Sabi ko nga, hindi pa ako ready mag-commit. Marami pa akong iniisip, marami pa akong dapat asikasuhin, marami pa akong mga kailangang gawin and sa ngayon, wala pang oras talaga, eh.”
 
Halata sa mga pahayag ni Jennylyn na ayaw na muna niyang ma-involve sa mga showbiz guy.  “As much as possible, sana non-showbiz. Pero ayoko ring magsalita ng tapos, ayoko ring magsarado ng pinto, kasi malay mo, di ba?”
 
Itinanggi rin ng aktres ang balitang nagkabalikan na sila ng ex-BF na si Dennis Trillo.
 
“Masama bang maging magkaibigan kami ulit? Siguro naman walang masama do’n di ba? Friendly naman ako, eh. Ha-ha-ha!” biro pa niya.
 
Naikuwento rin ni Jennylyn na lumalabas sila paminsan-minsan ni Derek pero group date lang daw ‘yon.
 
“Walang malisya do’n. Saka kasama namin ang grupo, mga taga-production. Magbi-videoke ang kami, kakain, ganun lang. Walang something,” paglilinaw pa niya.
 
On a lighter note, masaya ang aktres na finally ay nakagawa na siya ng isang romcom.
  
“Wala kasi akong ibang ginawa sa mga teleseye ko kundi umiyak, magdrama. Masarap palang gumawa ng romcom. Ganun pala ‘yon, napakasaya kasi uuwi ka sa bahay na hindi mo bitbit yung mga emosyon,” she said.