• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Jason Abalos on Victor's cheating ways: Sa simula pa lang pwede mo nang iwasan

Exclusive: Jason Abalos on Victor's cheating ways: Sa simula pa lang pwede mo nang iwasan

The actor says his relationship with Vicki Rushton is going strong.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2014 9:14 PM
Exclusive: Jason Abalos on Victor's cheating ways: Sa simula pa lang pwede mo nang iwasan


120214-jason_updates.jpgPalaging nasa taping ng teleseryeng Two Wives si Jason Abalos bilang Victor kaya hindi pa niya nararamdaman ang epekto ng pagiging bida ng isang primetime series ng ABS-CBN.
 
“Halos araw-araw ang trabaho namin, eh. Sa Bulacan kami nagti-taping kaya walang time gumala. Hindi pa nga ako nakakagala ulit, eh. Nakakalabas ako tuwing Sunday lang, nagsisimba lang... ‘yon lang,” kuwento ng magaling na aktor.
 
Hindi rin siya masyadong aware na dahil sa Two Wives ay maraming babae at bading ang nagpantasya sa kanya.
 
“Siguro nu’ng un may mga ganu’n, tuwang-tuwa sila sa akin kasi maganda yung role, eh. Kasi alam mo yung mga Pinoy, gusto nila yung kinikilig-kilig sila, saka naka-topless ako lagi, pero nung bandang huli na, nung medyo nangangabit-ngabit na, yung mga tao bwisit na bwisit na,” dagdag kuwento pa ni Jason.
 
Inamin ni Jason na bilang Victor na na-involve sa dalawang karakter nina Kaye Abad at Erich Gonzales sa Two Wives, masuwerte daw siyang hindi pa dumating sa part ng buhay niya ang pumili kung sino ang mas mahal niya.
 
“Wala pa namang ganu’n... Kasi, simula pa lang puwede mo na namang iwasan, eh. Hindi na aaboot sa ganu’n. At saka choice mo naman din ‘yon. Kung hindi mo naiwasan sa simula, malamang do’n ka talaga mamomroblema,” reaksyon niya.
 
Masayang ibinalita ni Jason sa Push na okay ang love life nila ni Vicki Rushton, former PBB housemate. Marami rin daw itong product endorsement ngayon. 
 
“Sabi ko nga sa kanya, ‘uy, daig mo pa ako, ah. Madami na rin siyang ipon kesa sa akin (laughs).”
 
Pero hindi pa rin daw niya pinapayuhang bumili ng kotse ang kasintahan. Ang spare car pa rin ni Jason ang ginagamit ni Vicki.
 
“Sabi ko kasi huwag muna. Sabi ko, ipon muna siya. Kasi para... hindi naman yon muna ang dapat unahin, eh... may nagagamit naman siya.”
 
One year na ang relasyon nina Jason at Vicki at hindi natatakot ang aktor na baka maagaw ng iba ang girlfriend lalo pa nga’t pinapasok na rin nito ang showbiz.
 
“One year na kami, eh. Medyo matatag na yung foundation. Saka parang sinubok na rin naman kami ng panahon. Kasi siyempre, sabi ko nga, choice nyo naman yon kung gusto n’yong mag-work ang inyong relasyon. Nasa sa inyo naman ‘yon, eh.
 
“Kung may problema sigurong dumating, puwede namang pag-usapan lahat,” paliwanag pa ni Jason.
 
Ipinagdarasal ni Jason na sana ay si Vicki na ang babaing kanyang pakakasalan. Pero itinanggi niyang may balak na siyang pakasalan ang kasintahan.
 
“Sa ngayon, sinisimula ko na ring mag-ipon-ipon. Kumbaga, pinaghahandaan ko na rin. Hindi na rin naman ako bata, I’m 28 na rin naman...
 
“Si Vicki kasi napakabait. Ipinagdarasal ko talaga na sana siya na... kasi sa edad ko, ayoko na yung parang palipat-lipat, eh, nakakapagod, eh. Yung magsisimula ka ulit tapos... Invest ka ng emotions, tapos wala na naman, parang panibagong buhay na naman... Nakakapagod,” sabi pa ng aktor.
 
Dahil sa work, aminado si Jason na paminsan-minsan na lang silang nagkikita ni Vicki. Pero pag may time, dumadalaw daw naman ito sa kanyang taping sa Bulacan.