Derek Ramsay to return to ABS-CBN?

The actor says there is a possibility he will be doing an action movie for Skylight Films.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2014 8:06 PM
Derek Ramsay to return to ABS-CBN?


120214-derek_updates.jpgSa presscon kanina ng pelikulang English Only Please ng Quantum Films at MJM Productions na entry sa darating na Metro Manila Film Festival on Dec. 25, ibinalita ni Derek Ramsay, lead star ng movie at kapartner ni Jennylyn Mercado na makikipag-meeting siya  sa Skylight Films para sa isang possible action movie na gagawin niya.
 
“Magmi-meeting kami ni Direk Toto Natividad bukas (Dec. 3) kasi may offer ang Skylight Films. Excited ako kasi sabi ni Direk bagay sa akin yung role at ako talaga yung kino-consider nila do’n sa action film na gagawin, sana matuloy talaga,” simulang pahayag ni Derek.
 
Maaaring makasama raw sa miting niya with Direk Toto ang boss ng Skylight Films na si Direk Enrico Santos.
 
“I know he will be there also, I hope he’s there para okay, 'di ba?” sabi ulit ni Derek.
 
Matatandaan na nagkaroon ng isyu between Derek and ABS-CBN network pagkatapos niyang lumipat sa TV5. Three years na rin daw siyang hindi nakakatuntong sa bakuran ng ABS-CBN.
 
“Yeah, it’s been three years na nga... ang tagal na rin. Kaya when they told me about the meeting, na-excite din ako... Yung meeting namin, hindi sa ABS-CBN gagawin, it’s in one of the restaurants lang,” pahayag ulit ni Derek.
 
With the film that he’s about to do sa Skylight Films, pupuwede na ulit siyang mag-promote sa mga programa ng ABS-CBN.
 
“I’ve been always open naman to promote in their shows... For me kasi, yung ginawa ng ABS-CBN noon is just a professional decision and I didn’t take it against them, naintindihan ko ‘yon. I’m just waiting na matatapos din ang lahat at magiging okey din,” katwiran pa ng aktor.
 
Samantala, first time ni Derek to work with Jennylyn at aminado ang aktor na nanibago siya sa kissing scene with new leading lady.
 
“’Yung kasing sa amin dito ni Jennylyn, ano lang, eh, very simple kiss lang. Nanibago nga ako, eh. Sobrang namula nga raw ako sabi ni Direk, eh. Ha-ha-ha! It’s not the usual thing kasi for me,” biro pa niya.
 
“Kasi yung kissing scenes ko with Anne (Curtis) and Cristine (Reyes) alam n’yo naman how we did it di ba? Itong kay Jennylyn, very simple lang and very romantic,” kuwento pa ng aktor.
 
Gusto ni Derek ang pagiging adventurous at hilig sa pagta-travel ni Jennylyn. Pero nang tanungin siya kung gusto din niyang ligawan ang kapareha ay napangiti lang siya.
 
“Hindi natin alam, eh. But what I like about her is yung pagiging open-minded niya. She’s also into sports and loves to travel. Ganun din kasi ako kaya alam kong magkakasundo kami,” huiing pahayag ng lead actor ng English Only Please.