Aktres, denied entry sa ibang bansa?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

12/2/2014 12:37 PM
Aktres, denied entry sa ibang bansa?


120214-ogie_main.jpgNako, ano kaya ang nadiskubre ng immigration officer, kaya denied entry ang isang mahusay na aktres sa ibang bansa?  This week lang nangyari 'yon, kasama ang kanyang anak at yaya nito, na-airport-to-airport sila.
                                         
Eh, ilang beses nang nagpabalik-balik sa US territory na 'yon ang aktres, ngayon pa talaga nangyari sa kanya 'yon?

Ang tanong nga ng aking source ay ano kaya ang nadiskubre ng immigration officer to deny their entry?

"Hindi ko alam kung may dati siyang record doon at hinintay lang uli siyang makatapak ulit doon.

"Kasi, nung araw, 'di ba, nag-show siya sa isang club sa bansang 'yon nang walang work permit? May kinalaman kaya ito doon?

"O may nainggit lang talaga sa kanya doon?" 'Yan ang ating aalamin kung ano ang talagang kasalanan ng aktres na ito.

And for sure, dahil sa ordeal na pinagdaanan nilang mag-ina sa interrogation sa immigration doon ay inis na inis ito sa nangyari.

'Di bale na, ang importante ay safe naman silang nakabalik ng bansang kanyang sinilangan kahit "round trip" lang ang ganap.

Juice ko, na-cancel kaya ang US visa ng aktres? Hindi kaya mas gumanda kasi siya ngayon, kaya mukhang hindi siya yung nasa picture ng visa at passport niya?

Anyway, huwag nang mainis at i-smile na lang 'yan.