Coco Martin reflects on the highs and lows of 2014

Coco Martin says that this year definitely had its challenges, but he considers everything a blessing.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/20/2014 12:58 AM
Coco Martin reflects on the highs and lows of 2014


122014-coco_main.jpgAminado si Coco Martin ng Feng Shui 2 kung saan kasama niya si Kris Aquino. Aniya, “Mahirap siya kasi like ako first time kong gagawa ng horror movie, nakaka-challenge dahil unang-una direktor ko dito si Direk Chito (Rono), hindi ka pwedeng hindi ko alam ang trabaho ko at hindi mo kaya ang eksena.”

Kilala ang Queen of All Media sa ganitong klaseng mga pagganap sa horror kaya naman ibinahagi ni Coco na talagang pinag-aralan at natuto din siya kay Kris. “Nakakatuwa kasi malaking tulong sa akin si Ate Kris, sabi ko nga bago sa akin ang genre na ito. Kumbaga kumapit ako sa kanya, nakakuha ako ng style, pinapanood ko siya kung paano ba gumawa ng horror movie, the way na kung paano ba umarte and then ayun nakakatuwa kasi maganda yung kinalabasan ng pelikula.”

Aminado ang award-winning actor na na-challenge siya sa pagtawid mula sa drama papuntang horror. “Mahirap kasi sabi ko nga, sabi nga ni Direk Chito ngayon lang siya nakapag-Direk ng lalaki, kumbaga isa sa mga bida. Siyempre ang pangit din naman na nakikita ako ng mga tao na sumisigaw-sigaw bilang lalaki. Pero paano ko ma-aachieve at mapapaniwala ang mga tao na natatakot, kumbaga yung mga nangyayari sa paligid ko? Paano ko sila mapapaniwala na nakakatakot yung mga pangyayari. Kumbaga as an actor medyo mahirap siya at challenging [pero] nagawa naman natin siya ng maayos.” 

Sa pagtatapos ng taon, natanong ng Push.com.ph si Coco kung paano ang naging takbo ng taong 2014 sa kanyang buhay, matapos ang top-rating niyang seryeng Ikaw Lamang na nagbigay pa sa kanya ng pagkilala bilang Pinakamahusay na Aktor sa PMPC Star Awards. “Marami… sobrang blessed talaga. Nagbubunga lahat ng mga pinaghihirapan, hindi ka lang dapat umasa sa swerte dapat pinagsusumikapan at pinagsisikapan.”

Aminado si Coco na naging makulay ang taong ito lalo pa sa kontroberisyang kanyang kinaharap nang dahil sa nangyaring pagtatanghal sa isang fashion show. “Merong mga ups and downs, may mga bagay na nangyayari tayo na hindi inaasahan pero nakakatuwa naman dun naipaliwanag naman natin at naunawaan naman ng mga tao ayun kumbaga, tuloy-tuloy pa rin ang magagandang blessing na nangyayari sa buhay.”

122014-coco_main.jpgNitong nakaraang Martes ay nagkaroon ng allergies si Kris na ikinamaga at ikinapula ng kanyang mukha at buong katawan dahil sa maling gamot na nainom. Ngunit sinuguro naman ni Coco na hindi na nakaapekto ito sa kanilang pelikula dahil tapos na ang kanilang shooting nang mangyari ito. “Ay actually ngayong nagka-allergy siya, tapos na kaming magshooting. Nung nagka-allergy siya ngayon na lang kami nagdudubbing noon naman wala. Actually masaya nga yung bonding naming ni Ate Kris kasi siyempre marami na kaming pinagsamahan, kapag hindi kami nagte-take, kwentuhan na kami ng kwentuhan, kamustahan. And then nakakatuwa kasi marami na rin kami natututunan sa kanya sa business and sa personal na buhay.”

Pinuri din ng aktor ang Queen of All Media sa dedikasyon nito pagdating sa kanyang trabaho. “Sabi ko nga ganun siya ka-professional na nagkaroon na siya ng allergy tuloy pa rin ang buhay, tuloy pa rin ang trabaho, nakakabilib. Sabi ko nga kung nasaan man siya ngayon, kung bakit siya ganun kasi ganun din siya ka-hardowrking.”