Coco Martin admits he used to avoid seeing Kris Aquino

Coco Martin says he is now very close to Queen of All Media Kris Aquino.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/19/2014 8:45 AM
Coco Martin admits he used to avoid seeing Kris Aquino


121914-coco_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, excited na kinwento ni Coco Martin na ang Feng Shui 2 ang kauna-unahang Filipino film na mapapanood in 4D.

Kwento rin ni Coco, matindi ang naging bonding nila ng host na si Kris Aquino sa set ng Feng Shui 2. Bago ang Feng Shui, ay umiiwas diumano si Coco kapag nakakasalubong niya si Kris, pero simula nang makapalagyang loob niya si Kris e si Kris na ang una niyang hinahanap kapag dadating siya sa set.

Nang tanungin si Coco tungkol sa kwento ni Kris na dalawang babae na dumadalaw sa kanya sa set ng Feng Shui 2, tumawa si Coco at sinabing hindi niya matandaan kung sino ang mga babaeng tinutukoy ni Kris. Marami raw tao sa set at nakikipag-usap siya sa mga taong nandun. Pagbibiro pa ni Coco, alam ni Kris ang lahat ng nangyayari sa set kahit na nakatalikod ito o may iba itong kausap.

Pinuri rin ni Coco ang director ng Feng Shui 2 na si Chito Rono. Ayon kay Coco, brilliant director si Chito at nagbibigay buhay rin ito sa set dahil sumasayaw ito at masayahin.

Katulad ng tema ng pelikulang Feng Shui 2, naniniwala kaya si Coco sa swerte at malas? Ayon kay Coco, para sa kanya ang swerte ay pinagta-trabahuhan at ang malas naman ng tao ay depende sa mga nagawa mong binabalikan ka. 

Naging honest din si Coco nang sabihin niya na mas importante sa kanya ang awards na natatanggap niya kaysa sa Box Office hits. Paliwanag ni Coco, siguro ay dahil sa nanggaling siya sa mga indie films at importante sa kanila ang fulfillment at validation na naibibigay ng isang award.

Tungkol naman sa pag-ibig, hindi raw ito hinahanap ni Coco. “Ang dami ko nang pinagdaanan na ganyan bago pa ako mag-artista,” ani Coco. Sa ngayon ay mas nakafocus siya sa mga blessings na dumadating sa buhay niya dahil ayaw niya itong mawala. Ito rin daw ang magiging daan para makapagbigay siya ng magandang buhay sa mamahalin niya at magiging pamilya niya balang araw.

Nakapagpatayo na rin si Coco ng bahay para sa kanya at sa kanyang pamilya at masaya niyang ibinahagi na hands-on siya pagpapagawa nito. Ang pinaka-paboritong lugar ni Coco sa kanyang bahay ay ang bahay kubo. Kwento ni Coco, may bahay kubo siya sa loob at sa labas ng kanyang bahay.