• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai-Ai Delas Alas shares why she wants her kids to have a very happy Christmas

Ai-Ai Delas Alas shares why she wants her kids to have a very happy Christmas

The EDM diva says preparations for the holiday season at her home begin every November.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/19/2014 2:08 PM
Ai-Ai Delas Alas shares why she wants her kids to have a very happy Christmas


121914-aiaidelas_main.jpg15 feet na Christmas tree ang center piece ngayon sa bahay ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai Delas Alas. One week daw itong ginagawa kasama ang iba pang Christmas decoration sa kanyang bahay.

“Kina career talaga iyan taon taon kasi bago ako mag birthday gusto ko kumpleto na ang Christmas decorations dito sa bahay so pagdating ng November 11 bago pa ang birthday ko, tapos na kami sa Christmas décor. Actually nagbabayad ako para ma decorate siya ng maayos kasi kung ako lang baka naman tapos na ang Pasko hindi pa tapos yan.”

Pangako daw kasi ni Ai-Ai sa sarili na magiging masaya dapat ang kanyang mga anak tuwing holiday season na malayo sa mga Pasko na naranasan niya noon.

“Alam naman natin na single parent ako, ngayon na lumalaki na ang mga bata, I see to it na bawat Christmas para sa kanila ay napaka saya kasi noong bata ako kasi alam niyo naman na adopted ako, mag isa lang ako at ang mother ko tapos ang mga ninong at ninang ko hindi ko pa kilala so ang mga natatanggap ko na regalo sa nanay ko lang. So kapag Christmas sinisiguro ko na marami natatanggap na gifts ang mga anak ko para masayang masaya sila sa Pasko.”

Ini-effort din ni Ai-Ai na mabuo ang simbang gabi ngayong taon hindi para humiling pa ng kahit ano kundi para magpasalamat na lang sa masayang taon para sa kanya. 

“Ngayong Pasko very thankful naman ako, ang wish ko lang talaga sana iyung mga nasalanta ng kalamidad hindi masyado naapektuhan kasi feeling ko hindi pa nga sila nakaka recover tapos ayan na naman may bagyo na naman. Para sa sarili ko, this year sabi ko, ang simba gabi ko na lang dine dedicate ko para magpasalamat sa lahat ng binigay sa akin in my 25 years sa showbiz next year I think wala na ako dapat patunayan at hilingin sa iyo siguro dapat lang thank you na lang ako ng thank you.”