Jamie Rivera writes theme song for the Papal visit

Jamie Rivera says ‘We are God’s Children’ is approved by the CBCP and the Vatican.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/18/2014 8:23 AM
Jamie Rivera writes theme song for the Papal visit


121814-jamie_main.jpgSi Inspirational Diva Jamie Rivera ang nag-compose at kumanta ng napiling theme song para sa pagbisita ni Pope Francis sa January sa Pilipinas. Ang title ng kanta ay “We are God’s Children” at diumano in-approve ito ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines pati na rin ng Vatican. Sa isang interview sa Aquino and Abunda Tonight, inilahad niya na bago niya ito isulat ay binigyan siya ng topic ni Archbishop Soc Villegas na “solidarity to the poor and mercy to the weak.”

May pressure kaya kay Jamie ang pagiging isang Inspirational Diva? “Hindi naman sa akin pressure,” ani Jamie. Ngunit ayon kay Jamie, kahit na nagko-compose siya ng mga inspirational songs hindi naman ibig sabihin noon ay “malumanay” siyang tao. “I pray for other people, pero it doesn’t follow na malumanay ako. I can be loud, too.” Dagdag pa ni Jamie, “I also have my temper, tao lang po.” 

Nagsusulat pa rin si Jamie ng ibang genre katulad ng love songs. Kwento niya, sumali siya sa Himig Handog  P-Pop Love Songsbut I didn’t make it.” Ngunit diumano, ire-record naman ng Star Records ang kanta na isinali niya sa Himig Handog kaya masaya siya.