• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino opens up about her plans after getting married

Yeng Constantino opens up about her plans after getting married

Yeng Constantino reveals that she and her fiancé have already brought a home.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/17/2014 8:10 AM
Yeng Constantino opens up about her plans after getting married


121514-yeng_main.jpgSa pinakabagong studio album ni Yeng Constantino na All About Love, ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol dito. “Itong album na ito ay puno ng pag-ibig, kita naman sa title. Ito po ay estado nga aking life right now and I want to share sa lahat po ng mga taga-suporta ko na hopeful ay sa pamamagitan nito ma-feel nila ang pakiramdam ng happiness and joy.”

At nang kamustahin siya tungkol sa mga preparasyon sa nalalapit niyang kasal, aniya, “Masaya, maganda. Bumili na kami ng mga furniture sa bahay namin. Tapos na kami about the wedding so yung house na lang namin ang inaayos namin ngayon at ano na lang, kulang na lang magsusukat kami ng gown and suit then settled na talaga. Ayun, wala kasi kaming pinoproblema masyado, napaka-chill ko lang talaga na bride to be pati yung fiancé ko sobrang chill lang kami wala kami masyadong pinoproblema. Naniniwala kasi kami dun sa rules ng joy na when you move in joy, everything will just fall into place.” 

Sa bagong buhay na tatahakin ni Yeng bilang isang may-bahay, ibinagi na niya ang ilan sa plano niya at ng kanyang fiancé na si Yan Asuncion matapos nilang ikasal. “Bumili kami ng condo pero nag-end up kami na hindi titira dun so parang paparentahan na lang namin siya. We bought a townhouse, very simple lang. It’s here in QC [Quezon City] tapos may music room kami, dedicated yung floor na yun for music lang. Yung may walk-in closet na rin ako finally ganun tapos ayun lang kasama namin yung sister ko sa house.”

Sa dami ng mga nangyayari sa buhay ni Yeng ngayon—bagong album, bagong tayong negosyo na isang bagong bar, at ang nalalapit na kasal—maraming nagtataka kung paano niya naasikaso at nabibigyan ng atensyon ang lahat. “Ano lang, laging ano lang, isang step lang at a time. Tinatry ko talaga na huwag ma-overwhelm, lagi lang ako mag-focus at higit sa lahat hindi mawala yung joy ko.”

121514-yeng_main.jpgAminado din si Yeng na may mga panahong naiisip niya kung ano ang uunahin sa dami ng nakahain na kanyang dapat gawin. Ngunit ikwinento niya ang kanyang sikreto upang magampanan niya ang lahat ng inaasahan sa kanya. “Kasi aaminin ko po talaga na kapag ikaw ay ikakasal at ikaw ay may concert, at may album ka na ginagawa at may negosyo kang lalabas, may tendency na maging aligaga ka. What I choose talaga sa heart ko is to give joy in everything, yun lang. Schedule lang naman yan, and timing lang naman yan. I am just so happy na yung fiance ko nandiyan lang sa likod ko to tell me, ’You can do it.’ Tiwala lang siya sa iyo and talagang support lang, sobrang good vibes lang talaga siya.” 

Pagdating naman sa usaping pagkakaroon ng baby, ang rebelasyon ni Yeng tungkol dito, “Ang plano talaga namin na magka-baby talaga kami is after two years. So mga 2017, 2018 saka na kami magkababy kasi hindi naman basta-basta yun. Dapat yun pinaplano. Kapag sumulpot na yung bata talagang mag-iiba na rin yung life mo. Hindi yan parang, sana, ano pa rin hindi sa magiging ano sa schedule. Siyempre kapag may bata na magiging priority mo na yun. Pero that does not mean na hindi ako kakanta. Siguro mag-iiba lang talaga yung phase and yung takbo ng schedule so habang wala pa dun gawin muna namin yung mga pangarap namin together like travelling. Gusto naming mag-travel, gusto namin mag-put up ng mga businesses and yun, talagang just enoying each other muna.”

Ngunit kung sakaling mauna ang baby kesa sa plano nila na magkaroon matapos ang dalawang taon, “Pagpapala yan so kailangang tanggapin ng maluwag sa puso at pangatawanan. Kung nandiyan na pangatawanan na, magshi-shift siguro yung life. Hindi mawawala passion ko sa music pero siyempre yung priorities magbabago na. Siyempre ang priority natin ay ang ating pamilya pero yun nga that does not mean na mawawala ako sa showbiz. Ang hirap naman na namamaga-maga pa yung katawan mo, kapapanganak tapos kakanta, kanta ka na agad diba? Pahinga ko mga three months pwede.”