• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla admits that there are still sparks between Vina Morales and himself

Robin Padilla admits that there are still sparks between Vina Morales and himself

Robin Padilla says that wife Mariel Rodriguez doesn’t mind him being paired with Vina Morales.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/17/2014 8:06 PM
Robin Padilla admits that there are still sparks between Vina Morales and himself


121714-robin_main.jpgAminado si Robin Padilla na may spark pa rin siyang nararamdaman para kay Vina Morales na leading lady niya sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo na showing na sa December 25 bilang bahagi ng 2014 Metro Manila Film Festival.

“Hindi naman nawawala ‘yon, eh. Sa ganda ni Vina, hindi puwedeng walang sparks. Dapat laging meron non,” sambit agad ni Robin na bagama’t nakangiti ay seryoso naman sa kanyang pahayag.
 
Ang hindi maitatagong magandang chemistry nina Robin at Vina ang dahilan kung bakit first choice ng actor ang dating girlfriend na gumanap ng papel bilang Gregoria de Jesus na asawa niya sa historical film.
 
“Hindi kasi masyadong alam ng mga tao ang buhay pag-ibig ng ating bayani (Bonifacio) at puro katapangan lang ang naipakita sa mga history books kaya mahalagang ma-establish agad ang chemistry ng dalawang bida sa pelikula.
 
“Sabi nga ni Direk Eddie (Garcia na narrator sa movie), ‘pag hindi mo pinakiaalaman ‘yan, pakikialaman ng iba ‘yan. ‘Pag pinakialaman ng iba ‘yan, sising alipin ka.’ Kaya pinakiaalam ko na ho (referring to Vina) ,” pabirong pahayag ni Binoe.

Hindi ba naman pinagselosan ng asawa niyang si Mariel Rodriguez ang pagkuha nito kay Vina bilang kapareha sa Bonifacio? “Wala namang problema kay Mariel. Gusto naman niya si Vina at idol nga niya si Vina kaya hindi isyu na magkasama kami sa pelikula,” paglilinaw agad niya.
 
Pero totoo ba ang insidenteng habang nagsusyuting sila at may event nu’ng Bonifacio Day (November 30) sa Monumento ay hindi bumaba si Mariel sa sasakyan nang malaman niyang nando’n si Vina?
 
“Totoo ‘yon. Nangyari ‘yon,” pag-amin agad niya.
 
“Alas-siete pa lang ng umaga, may event na do’n, nag-flag raising kami, nagbigay ako ng talumpati do’n. Dumating ng ala-una ng hapon, nag-umpisa ‘yung Revicon (event), si Mariel ‘yung special guest sa Revicon, wala siyang kinalaman sa pelikulang Bonifacio. Kaya nang dumating si Vina, pinagtago ko na si Mariel. Oras na ni Gregoria de Jesus, eh.


121714-robin_main.jpg“At naiintindihan naman ni Mariel ‘yun. Katunayan, saksi si Jasmine (Curtis) do’n, na talagang hindi lumabas si Mariel do’n sa kwarto. Talagang ibinigay niya ang entablado kay Vina. Ang tanong lang niya sa akin, saan ako humalik. Kasi may kissing scene kami do’n sa kantahan,” paliwanag ng aktor.
 
“Pero walang nangyaring gulo, kasi aral naman ako kay Rommel (Padilla) kung paano magdala ng babae,” pagbibiro pa niya.
 
Bilang isang Muslim, puwede pa ulit mag-asawa si Robin. Posible kayang ligawan niya si Vina at magkabalikan sila lalo pa nga at single ito ngayon?
 
“Ang dapat sumagot diyan, si Vina. Kasi si Mariel, alam niya na nag-asawa siya ng isang Muslim, alam niya ‘yun. Kung merong dapat sumagot kung siya ba ay open, siya (Vina) ‘yun.
 
“Si Mariel, given na ‘yun, eh. Alam niya ang pinasok niya. Si Vina, ‘di ko alam kung alam niya ang pinasok niya,” natatawang pahayag ni Binoe habang panay naman ang  “Oh my God” ng aktres.
 
Kasama rin sa Bonifacio ang  pamangkin ni Robin na si Daniel Padilla na kasing laki ng pangalan nila ni Vina ang billing. Very cooperative naman daw ito sa promo ng pelikula kaya lang, hindi maiiwasan na dahil sa sobrang busy, hindi nito nasipot ang presscon ng pelikula.
 
“Naiintindihan naman namin ang sitwasyon ng pamangkin ko. Siya ang Teen King, eh. At hindi namin hawak ang schedule niya. Pero kapag libre naman siya, ipinahihiram siya sa amin ng Star Magic at ABS-CBN,” sambit pa niya.
 
Hindi naman kinumpirma ni Robin kung sasakay sa float ng Bonifacio si Daniel para sa gaganaping Parade of Stars dahil hindi rin nila hawak ang schedule ng binata.