Ryan Cayabyab shares his favorite Christmas songs

The multi-awarded composer reveals what his fave tunes are during the holidays.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/16/2014 5:49 PM
Ryan Cayabyab shares his favorite Christmas songs


121614-ryan_main.jpgLahat tayo may favorite Christmas song, pero ano kaya ang paboritong kantang pamasko ng isa sa pinaka magaling na maestro sa Pilipinas? Na surprise si Ryan Cayabyab ng itanong natin ito sa kanya sa grand media launch ng Phil Pop 2015 song writing competition

“Siguro hindi favorite, significant, ngayon ko lang na realize na marami na ulit gumagawa ng Filipino Christmas songs. Noong ginawa naming ni Joey Reyes ang 'Kumukutikutitap' noong 1983 hindi namin akalain na magiging parang traditional Christmas song na siya. And then later on iyung mga songs na 'Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko' and iyung 'Pasko Na Sinta Ko.'”


Hindi pa na kuntento sa kanyang sagot, nilagyan pa ng kuwento at kategorya ni Mr C ang mga kanta kung bakit ito napasama sa kanyang listahan.


“Kung traditional ang tatanungin mo ang isa sa favorites ko iyung (pakanta) 'malamig ang simoy ng hangin,' alam mo kung bakit kasi kapag naririnig ko iyun nanonostalgia ako kasi bata pa ako naririnig ko nay an. May lungkot hindi ko alam kung bakit hindi naman dapat na malungkot ang pasko pero I think its because iyung nostalgia na dala ng pasko its about pamilya. For me Christmas is about iyung celebration itself, para magsama-sama ang pamilya.”


May paborito rin siyang kanta na makaka relate daw ang karamihan ng pamilyang pinoy na may kamag anak na nasa malayong lugar at ito ang LSS niya ngayon.


“Kung English naman gusto ko for now iyung 'I’ll be Home for Christmas' kasi kagagawa ko lang ng areglo at napansin ko na ang ganda ganda ng kanta. Its also significant specially for us Filipinos I’m sure lahat ng OFW’s I'm sure lahat sila gusto umuwi ngayon pasko para makapiling ang mga mahal nila sa buhay.”


Pamasko na ni Mr C na mabigyan ng break ang mga baguhang song writers kaya't naging maaga ang launch ng Phil Pop song writing festival. Tatanggap sila ng song entries mula December 16 hanggang February 28.