• Home
  • Fresh Scoops
  • Manolo Pedrosa on acting in his first movie: 'Mahirap po maging artista'

Manolo Pedrosa on acting in his first movie: 'Mahirap po maging artista'

The former PBB housemate shares what it's like working on his first film with Maris Racal.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/16/2014 8:47 AM
Manolo Pedrosa on acting in his first movie: 'Mahirap po maging artista'


121614-manolo_main.jpgIlang buwan pa lang nakakalabas sa Pinoy Big Brother ang teen heartthrob na si Manolo Pedrosa pero bida na agad siya sa pelikulang Star Versus Me kasama ang ka-loveteam sa PBB All In na si Maris Racal.
 
Sa syuting ng kanilang first movie, naikuwento sa amin ni Manolo kung gaano siya ka-excited gumawa ng pelikula. “Grateful po ako na bagong experience itong ginagawa ko, na movie na po. Kasi usually, teleserye lang, like yung Hawak Kamay, ngayon, new experience na po talaga,” simulang kuwento ni Manolo.
 
Sa previous interviews, palaging binabanggit ni Manolo na hindi talaga niya pinangarap maging artista o pasukin ang showbiz, but he is now taking the challenge.
 
“Mahirap pong maging artista,” bulalas agad niya. “Five months pa lang po ako nagsu-showbiz at hindi talaga maiwasan yung pressure sa ginagawa ko. Kasi, from school to work agad, eh. Medyo na-culture shock din po, pero medyo nasasanay na rin po. Buti na nga lang, may workshop po ang Star Magic, tinuturuan nila kami sa acting, attitude sa set… ganu’n po.”
 
Saan ba siya na-culture shock siya sa showbiz?
 
“Kasi po dito (showbiz), parang trabaho na agad (laughs).Hindi ako masyadong nakapag-prepare kasi hindi ko naman po alam na ganito rin yung mangyayari. Kasi dati, from school to work, parang it’s a different thing po, eh. But I’m enjoy naman po,” katwiran pa niya.
 
Aminado rin ang binata na medyo naapektuhan ang pribadong buhay niya pagkatapos niyang lumabas sa PBB.
 
“Marami pong nagbago, eh,” seryoso niyang pahayag. “Hindi na ako masyadong nakakalabas ngayon dahil sa work. Nag-stop na rin po ako sa school pero next year po, aayusin ang schedule ko para makabalik. Marami na ring mga followers-followers sa social media. Ha-ha-ha! ’Yon po,” patuloy pa niya sabay tawa.
 
 
May konting problema sa mata si Manolo na dahilan kung bakit minsan ay hindi niya napapansin ang ilang supporters and fans. Nilinaw din niya na hindi siya snob at suplado.
 
“Malabo po ang mata ko, eh. Pero kapag 18 na ako (he’s only 17 now) ay magpapa-laser na ako. Hindi pa raw kasi puwede ngayon kasi bata pa ako,” sey pa niya.
 
Masaya rin si Manolo na si Maris ang kapareha niya sa kanilang launching movie. “Sobrang comfortable akong kasama siya (Maris) kaya I’m very happy na kami pa rin ang magkasama sa movie. Wala nang masyadong adjustment kasi kilala na naming ang isa’t isa.”
 
Sa pelikulang Stars Versus Me written and directed by Joven Tan (ang grand champion ng 2013 Himig Handog P-Pop Love Songs for the song Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa?) ay ginagampanan ni Manolo ang role ni Sonny na naniniwala sa horoscope na biglang mala-love at first sight sa karakter ni Maris.
 
In real life, hindi pala naniniwala si Manolo sa horoscope. “Hindi po ako nagbabasa, eh. Never pa ako nagbasa ng horoscope… Siguro, mamaya ita-try ko po. Ha-ha-ha!” pabiro niyang pahayag.