Aiza Seguerra and Liza Dino are planning to have a child

Liza Dino reveals she and Aiza Seguerra have already visited an IVF clinic.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/17/2014 7:59 AM
Aiza Seguerra and Liza Dino are planning to have a child


121714-aiza_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, teary-eyed at masaya ang newlywed couple na sina Aiza Seguerra at Liza Dino nang ikuwento nila ang kanilang “magicalwedding. Ginanap ito sa isang mountain dahil pareho nilang gusto ang isang rustic setting para sa kanilang kasal. Ayon sa kanila, may forecast ng ulan nang araw ng kasal ngunit naging sunny at maganda ang panahon.

Ang turingan nila ay husband and wife at pinili rin nila ang minister na mag-aadminister ng kasal nila at ayon sa mag-asawa, “we were addressed properly (as husaband and wife).” Alam diumano ng nagkasal sa kanila na same sex couple sila. 

Kinanta rin ni Aiza sa kasal nila ang bago niyang single na “Araw Gabi” na isinulat ni Ryan Cayabyab at ini-release ito noong December 15 under Universal Records. Ayon kay Liza, “It encapsulates kung paano kami sa isa’t isa.”

Nilinaw rin nila na hindi sila magpapakasal muli sa Pilipinas dahil nirerespeto nila na hindi pa legal ang same sex marriage dito. Magkakaroon lamang sila ng isang “symbolic ceremony” para icelebrate ang kanilang “union” at pagmamahalan. Isa rin itong event para i-share nila ang saya nila sa pamilya at mga kaibigan nila sa Pilipinas. 

Aware din si Aiza at Liza sa mga bashers nila at wala silang balak pumatol sa mga ito. Ayon kay Liza, “We are hoping for understanding and empathy.” Ayon naman kay Aiza, “I just wish that one day makahanap sila ng pagmamahal na nahanap namin.”

Balak rin ni Aiza at Liza na magkaroon ng anak at bumisita na raw sila sa isang IVF (in vitro fertilization) clinic.