Aktres, kumuha pa ng acting coach para sa isang movie?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

12/15/2014 3:28 PM
Aktres, kumuha pa ng acting coach para sa isang movie?


121514-ogie_main.jpgNow it can be told na kaya naman pala "better than before" ang performance ng isang controversial actress sa isang seryosong pelikula kamakailan ay dahil, "Meron siyang acting coach on the set. As in siya mismo ang nagbabayad, dahil gusto niyang sumabay du'n sa bidang lalaki."

According to our source, wala namang problema ang ibang cast sa gusto nitong mangyari sa set na laging nandu'n ang acting coach.

"Eh, sa 'yun ang trip niya, eh.  May acting coach.  At sa estado naman niya sa buhay, can afford naman siya to hire one so no big deal. In fairness, malaki ang nagawa sa kanya ng coach niya, dahil marami namang pumuri sa acting niya.  

"Kaso nga lang, it didn't perform well sa box office. Pero super proud siya sa movie niya na 'yon."

 Maraming trials in life ang aktres na ito sa buhay pero nasuklian naman 'yon ng isang bonggang lovelife at bonggang buhay.