• Home
  • Fresh Scoops
  • Marjorie Barretto speaks up about Julia Barretto’s team-up with Iñigo Pascual

Marjorie Barretto speaks up about Julia Barretto’s team-up with Iñigo Pascual

Marjorie Barretto describes daughter Julia’s new team-up with Iñigo Pascual as promising.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/15/2014 12:45 AM
Marjorie Barretto speaks up about Julia Barretto’s team-up with Iñigo Pascual


121514-marj_main.jpgNakapanayam ng Push.com.ph si Marjorie Barretto na kasama ang anak na si Claudia na pansin din ang ganda. Kaya naman nang tanungin si Marjorie kung pag-aartistahin niya rin ang isa pang anak, “No, more on ano siya, commercial and all, iba ang character niya eh, iba-ibang anak. Si Julia is more ma-showbiz ito, iba, she is so shy.”

At dito napag-usapan na din ang debut ng anak na si Julia Barretto na gaganapin Marso sa susunod na taon. Ngayon pa lang ay abala na ang pamilya lalo na si Julia para sa okasyon na ito. Hindi man nagbigay ng detalye tungkol sa nasabing okasyon si Marjorie, inamin naman niya na, “Well it’s more of a surprise. Parang whatever the theme is they are just going to find out the night itself. We won’t be giving away clues but Julia is so hands-on sa preparations and we have a good team working on the debut so we are really excited about it.” 

Ngunit inamin ni Marjorie na mas siya ang nakakapagbigay ng panahon sa preparasyon para sa kaarawan ng anak dahil siya ang mas may panahon siya kumpara kay Julia. “I’m really hands-on also kasi I really want to make sure naman that she will have good memories.”

Para kay Marjorie, “I want her to be 18 na rin para more responsibilities.”

Napag-usapan din ang na episode ni Julia Barretto sa Maalaala Mo Kaya noong nakaraang buwan kung saan gumanap siya bilang high school student na may lihim na may pagtingin sa kaibigan na ginamapanan ni Iñigo Pascual. “Naku sobrang proud. That is one of her finest, sobrang kilig na kilig kaming lahat sa bahay. Julia was very happy, we are also very happy with the ratings and how it trended. Pinagdasal niya talaga yung break na yun.” 

Tinanong din si Marjorie sa bagong katambal ng anak na si Iñigo Pascual. “Parang promising yung team-up nila, ‘di ba ang ganda?” Dagdag pa ng ina ni Julia, tungkol sa bagong love team na napunta sa malakas na tawanan nina Marjorie at ng press, “Yeah, I like Iñigo for Julia, as love team ah. I have to correct myself.” 

Nagsalita din si Marjorie tungkol sa panliligaw pagdating kay Julia. Aniya, “Si Julia pwede naman magpaligaw eh pero parang hindi niya pa type ngayon magka-boyfriend, parang napaka-wrong timing.”