• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano defends son Gab for "unexpected exposure" on his Instagram post

Gary Valenciano defends son Gab for "unexpected exposure" on his Instagram post

The singer says he believes Gab is old enough to know what he's doing.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/14/2014 11:23 PM
Gary Valenciano defends son Gab for


121514-garyv_main.jpgBilang ama, to the rescue si Mr Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang anak na si Gabriel sa issue na kinakaharap nito ngayon. Sa international exposure na nakukuha ni Gab lalo na sa mundo ng social media, unti unti na ito gumagawa ng pangalan. At sa bagong post nito sa kanyang Instagram account, marami ang nakapansin na may “sumilip” sa bandang huli ng 15 seconds na video. Dito nagsalita si Gary para sa anak na nasa amerika pa sa ngayon.

“Hindi ko na expect na gagawin nya iyon pero I think he was actually wearing something and its just a snippet kasi its not the final one it’s a 15 seconder sa Instagram he’s going to come out with a full one sa Youtube. Sa mga tao na na-shock, Gab accepts comments from different people actually ako hindi ko napansin pero malamang knowing Gab pagdating sa Youtube version makikita natin yan as a whole.”

Mas naging makahulugan ang 2014 para kay Gary bilang ama dahil sa international achievements ng anak na si Gab. Una na ditto ang pakikipag trabaho kay Beyonce at pangalawa naman ang award na nakuha nito sa youtube bilang best content provider for the year.

“There are millions of videos submitted every year and Gab knows the statistics, there's a facility called Youtube Space where people can be creative and put there stuff there and na invite din nila si Gab to be there too. Its all part of new media and Gab is using it a new way and I’m very very proud kasi Youtube ang nag recognize na Gab is one of the most effective personalities.

Bilang concert performer naman, katatapos lang ng concert for a cause ni Gary para sa mga biktima ng bagyong Ruby na naganap sa New Port Performing Arts Theater.

“Hindi bigat sa puso kundi may desire to give even more onstage dahil alam mo na its for a good cause kasi hindi lang naman ang performer ang nagiging bahagi ng cause na ito pati ang mga pumunta ditto. Timing lang talaga kasi kahit walang bagyo this is really scheduled na pero nagkataon na may nangyari and its always good for any artist to be open to possible changes or direction ng concert lalo na kung for a good cause.”

Dahil malalaki na ang kanyang mga anak, ang muli silang ma kumpleto sa isang bakasyon ang wish ni Gary sa Pasko.

“If there is one gift that I want to receive on Christmas it will not happen on Christmas kasi we are all busy eh. But I would love to take my family to be on a cruise to be on a ship where we can enjoy being together, enjoy the ship on our own as couples and come back in the evening ang just be who we are.”

Nagbigay rin ng holiday message si Gary para sa lahat lalo na sa kanyang mga kababayan sa Bicol.

“Sa mga kababayan natin lalo na sa mga kababayan ko sa Albay in the Bicol region, I hope we can go there and do more cause oriented concerts for you. I just pray that 2015 will be one fruitful year di ba we always say Merry Christmas and a Happy New Year, usually tumatagal lang ang message nyan for the season at sana foe me sana that season remains so that next year when I bump into you on the streets the following year masasabi mo na tama ang sinabi ko at sana magka totoo ang wish natin lahat.”