• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Abra says he couldn't resist accepting a role in Kubot: The Aswang Chronicles 2

Exclusive: Abra says he couldn't resist accepting a role in Kubot: The Aswang Chronicles 2

The rapper will be acting for the first time on the big screen.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/14/2014 11:23 PM
Exclusive: Abra says he couldn't resist accepting a role in Kubot: The Aswang Chronicles 2


101714-abra_main.jpgArtista na rin ang singer-songwriter-rapper na si Abra. First time niyang aarte  sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2, na entry sa darating na Metro Manila Film Festival ngayong Pasko.
 
So, how’s the experience?
 
“Ibang klaseng experience po ang umarte sa pelikula,” proud na pahayag ni Abra. “Nu’ng nakita ko yung trailer ng Kubot, tapos nu’ng syinut namin,  hindi naman ganu’n… parang ano’ng nangyari? Nakakatuwa kasi ang ganda pag tapos na,” kuwento ni Abra sa Push.com.ph
 
Bakit ba niya tinanggap ang offer na lumabas sa Kubot?
 
“Napanood ko kasi yung Tiktik, sobrang nagandahan ako. Ang ganda ng quality. Ang ganda rin ng kuwento. Tapos sinabi nila sa akin kung sinong makakasama ko, kung sinong magdidirek. Tapos yung parte ko, gusto ko rin, minimal lang yung acting. He-he-he!”
 
Abra will play the role of a guy na magaling sa computer at siya ang gagawa together with Julie Anne San Jose ng armas na gagamitin ni Dingdong Dantes sa pagpuksa sa mga aswang sa pelikula.
 
Kahit first-timer actor, hindi kinabahan si Abra habang idinidirek siya ni Erik Matti.
 
“Wala namang kaba. Nu’ng simula, medyo meron. Pero nu’ng tapak do’n sa set, si Direk (Erik), cool lang, eh. ‘O, ganito yung mangyayari…’ So ako naman, okay lang.
 
“Cool lang siya habang nagsusyut kaya nawala lahat ng pressure. Yung acting naming, parang natural lang lahat,” kuwento pa ng rapper.
 
Lalabas ba ulit siya sa ibang mga pelikula in the future?
 
“Ay, basta sulit pa rin yung time na mabibigay ko sa music, okay lang. Kasi yon talaga ang priority ko, eh – ang music,” matipid niyang pahayag.
 
Inamin din ni Abra na hindi pala siya nag-undergo ng kahit anong acting workshop bago nagsyuting ng Kubot.
 
“Ay wala na pong ganu’n. Basta natural lang yung ginawa ko. ‘’Yon din lang ang sabi sa akin n Direk, eh. Dapat natural lang.
 
“Bale, ang nag-adjust lang ako is don sa ugalit ng character ko. Pero ano kasi,eh, halos pareho kami, happy go luck, kaya okey lang. Kaya hindi rin ako nahirapan.” he said.
 
May rebelasyong inamin sa amin si Abra during the interview. Naging pangarap din pala niya ang mag-artista noong bata pa lang siya.
 
“Ginusto ko rin noon kasi parang ang sarap maging ganu’n…pero parang… hindi ko pinush ang sarili ko. Pinush ko ang sarili ko sa music. Talagang todo-push. Talagang kailangan mong magsakripisyo ng oras, galingan mo, dadaan ka sa ups and downs.”
 
Kaka-release lang ng bagong album ni Abra early this year pero hindi pa niya nailu-launch. This December, lalabas naman daw ang upgraded na music video nila ng Diwata na unang mapapanood sa Myx Channel.