• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino shares her thoughts on her upcoming marriage

Yeng Constantino shares her thoughts on her upcoming marriage

Yeng Constantino talks about what she feels about their upcoming nuptials and wedding night.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/14/2014 12:01 AM
Yeng Constantino shares her thoughts on her upcoming marriage


121314-yeng_main.jpgNgayong ikakasal na si Yeng Constantino kay Yan Asuncion, natanong kung ano na ang balak niya para sa kanyang career. “Wala po akong planong mag lay low sa aking career as a musician dahil ito po talaga ang gusto kong ginagawa. Kaya sa mga taga-suporta ko po na iniisip nila na baka mawala na si Ate Yeng or si Yeng na hindi kakanta, naku, hindi po yun mangyayari kasi ito po talaga ang passion ko ang music at mahal ko po talaga ang mga sumususporta sa akin. Ito nga ang sinasabi ko hangga’t mahal nila ako at hangga’t gusto nila na gumawa ako ng music I will just be here, kahit na may baby na ako. Malay niyo gumawa na ako ng album na Sesame Street, hindi natin alam eh. Masyado akong free-spirited na artist eh so we’ll see.”

Dagdag pa ni Yeng, “Hindi ko po naiisip na magiging hadlang naman yung relationship ko sa mga bagay na maaring dumating. Hindi ko nakikita yung relationship ko as parang hassle, I see it as a blessing. Simula po nung dumating si Yan sobrang mas marami pa pong biyaya ang dumating sa life ko sa totoo lang. Hindi ko po akalain. Parang nag ten times yung biyaya sa life ko and that is how I see it and yung parang faith ko right now na habang tumatagal, we will just be more blessed. Ayaw ko na tignan na ganun kasi maha-hassle ka lang, magiging negative lang yung feeling mo, kapag napunta yung negative sa emotions mo magiging negative na rin yung mangyayari sa life mo.”

Bukas si Yeng sa kanyang paninindigan tungkol sa pagiging intimate sa karelasyon. Sa lahat ng kanyang panayam hindi niya itinatago o ikinakahiya na nirereserba niya ang aktong ito matapos niya lamang makasal. Kaya naman nang matanong kay Yeng kung naiisip na ba niya ang mangyayari sa kanilang unang gabi o kung kinakabahan ba siya. “Tense? Iniisip ko yun dati na siguro nakakanerbiyos yun no, parang, ‘Ano yun? Ano ito? Ano?’ Ganung feeling”, na itinawa na lang din ng mang-aawit. Dagdag pa ni Yeng, “Siyempre iniisip mo yung una pero kayo bilang partner at [mahal] niyo naman ang isa’t isa at trust ko naman si Yan. Sobrang trust ko naman siya na hindi naman siguro siya sobrang magiging wild beast na ganun. Chill naman siguro. Pati yun napag-uusapan naman, ‘Uy excited na siya’, ‘Excited na rin ako’”, na nahihiyang hinalakhak ni Yeng.