Dagdag pa ni Yeng, “Hindi ko po naiisip na magiging hadlang naman yung relationship ko sa mga bagay na maaring dumating. Hindi ko nakikita yung relationship ko as parang hassle, I see it as a blessing. Simula po nung dumating si Yan sobrang mas marami pa pong biyaya ang dumating sa life ko sa totoo lang. Hindi ko po akalain. Parang nag ten times yung biyaya sa life ko and that is how I see it and yung parang faith ko right now na habang tumatagal, we will just be more blessed. Ayaw ko na tignan na ganun kasi maha-hassle ka lang, magiging negative lang yung feeling mo, kapag napunta yung negative sa emotions mo magiging negative na rin yung mangyayari sa life mo.”
Bukas si Yeng sa kanyang paninindigan tungkol sa pagiging intimate sa karelasyon. Sa lahat ng kanyang panayam hindi niya itinatago o ikinakahiya na nirereserba niya ang aktong ito matapos niya lamang makasal. Kaya naman nang matanong kay Yeng kung naiisip na ba niya ang mangyayari sa kanilang unang gabi o kung kinakabahan ba siya. “Tense? Iniisip ko yun dati na siguro nakakanerbiyos yun no, parang, ‘Ano yun? Ano ito? Ano?’ Ganung feeling”, na itinawa na lang din ng mang-aawit. Dagdag pa ni Yeng, “Siyempre iniisip mo yung una pero kayo bilang partner at [mahal] niyo naman ang isa’t isa at trust ko naman si Yan. Sobrang trust ko naman siya na hindi naman siguro siya sobrang magiging wild beast na ganun. Chill naman siguro. Pati yun napag-uusapan naman, ‘Uy excited na siya’, ‘Excited na rin ako’”, na nahihiyang hinalakhak ni Yeng.