Eric Quizon reveals reason for auction of Dolphy’s estate

Eric Quizon clarifies they are not selling all of Dolphy’s estate.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/13/2014 10:30 AM
Eric Quizon reveals reason for auction of Dolphy’s estate


121314-eric_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagpapasalamat si Eric Quizon sa ABS-CBN dahil nabigyan siya ng opportunity na pagsabayin ang pag-arte at pag-direk. Ani Eric, “I’m directing Pasion de Amor, I’m also directing OMG and at the same time playing the role of Janella (Salvador)’s father.”


Nagkwento rin si Eric sa gaganaping estate auction sa Dolphy Theater, kung saan up for auction ang mga real estate properties ng kanyang ama na si King of Comedy Dolphy.

Alam diumano nila Eric noon pa man na maraming naipundar si Dolphy at sa tingin daw niya e naging “model” ni Dolphy ang Monopoly game dahil madalas nila itong nilalaro noong bata pa si Eric. Eighteen diumano ang heirs ni Dolphy at si Eric ang tumatayong “administrator of the estate.” Kailangan nila ngayong i-liquidate ang ibang assets dahil, “kailangan namin ng pera” para sa mga gusto nilang simulang projects at para rin wag maiwang nakatiwangwang ang ibang lupa. Dagdag pa ni Eric, hindi naman lahat ng assets ay ibebenta nila.