• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez admits she’s happy she’s already doing girlfriend roles

Beauty Gonzalez admits she’s happy she’s already doing girlfriend roles

Beauty Gonzales plays the girlfriend of Coco Martin in ‘Feng Shui 2’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/13/2014 10:39 AM
Beauty Gonzalez admits she’s happy she’s already doing girlfriend roles


121314-beauty_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagpapasalamat si Beauty Gonzalez sa buhos ng projects niya ngayong 2014. Hindi na rin support roles ang kanyang mga ginagampan dahil sa Dream Dad ay isa siya sa love interests ni Baste, ang character na ginagampanan ni Zanjoe Marudo. Sa Feng Shui 2 naman ay girlfriend siya ng character na ginampanan ni Coco Martin. Pagbibiro ni Beauty, “sayang wala akong kiss dito (Feng Shui).

Natanong din si Beauty ng host na si Boy Abunda kung alam niyang “funny” siya, sagot naman ni Beauty ay “I guess,” kasi lagi raw siyang pinagtatawanan ng mga tao kahit na ang eksena niya ay seryoso at umiiyak.


Sobrang privileged si Beauty na makatrabaho si Coco at si Direk Chito Rono sa pelikulang Feng Shui 2. Naghihinayang din si Beauty na hindi niya naka-eksena si Kris Aquino sa naturang pelikula.

Ayon kay Beauty, hindi pa sila magpapakasal ng kanyang art collector boyfriend na si Norman Crisologo. Two to three months pa lang diumano ang kanilang relationship. Kwento ni Beauty, nakilala niya si Norman through Ellen Adarna. Nakita diumano siya ni Norman sa isang magazine at nakuha nito ang kanyang number sa common friend nila na si Ellen. 


Si Norman na kaya ang “the one” ni Beauty? Ayon kay Beauty, pinagdadasal niya na sana nga si Norman na. “So far, everything is going well, masaya naman,” ani Beauty.