• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Gonzalez-Intal talks about her wedding reception at the Big Dome

Bianca Gonzalez-Intal talks about her wedding reception at the Big Dome

Bianca Gonzalez reveals why she chose the Big Dome as her wedding reception venue

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/12/2014 9:08 AM
Bianca Gonzalez-Intal talks about her wedding reception at the Big Dome


121214-bianca_main.jpgSa kauna-unahang pagkakataon ginamit na venue sa wedding reception ang Araneta Coliseum nina Bianca Gonzalez at PBA player JC Intal. Sa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Bianca na sa Big Dome nila naisip ganapin ang reception para i-accommodate ang mga kaibigan nila na nagmula sa mundo ng showbiz at basketball.

Masayang ibinahagi ni Bianca na maraming naging fun activities sa kanilang reception. Kumanta rin si Bianca at instead na sabihin niya na “Thank You Araneta,” “Sorry Araneta” raw ang sinigaw niya dahil hindi maganda ang boses niya.

Inamin rin ni Bianca na hindi nila inanunsiyo ang petsa ng pagpapakasal nila sa El Nido noong December 4 dahil, “We want to keep it private.” Dalawa rin diumano ang naging wedding dahil si JC ang dream wedding ay grand at si Bianca naman ay intimate at small ang dream wedding. 

Ayaw rin ni Bianca na maka-offend ng mga kaibigan na designers kaya minabuti niya na ready-to-wear gown ang suotin. “Rosa Clara” ang tatak ng simple RTW bridal gown ni Bianca. Isa pa raw, gusto niya na makita kaagad ang effect at hulma sa katawan niya ng damit. Ang mga designer gowns raw kasi minsan, the day before the wedding lang dumadating ang damit.

Kwento ni Bianca, ang honeymoon nila ay next year pa, itataon nila ito sa mahabang break ng PBA. Gusto na raw ni JC na magka-baby sila, ganoon din ang parents ni JC.