The 38-year-old performer said he is trying to refrain from singing too much nowadays so as not to aggravate his condition. “Puwede namang i-trabaho na. Hindi lang puwedeng abusuhin masyado. Hindi ako masyadong nakaka-kanta ngayon. Pa-isa isa puwede naman pero yung talagang malalaang kanta hindi uubra kasi ipipiyok ko na ng bongga (laughs),” he admitted.
Currently busy starting promotions for his movie, Vice said he is not intimidated by the competition at this year's MMFF which includes Feng Shui 2 starring his good friend Kris Aquino and My Big Bossing with Vic Sotto. “I'm super happy, super excited dahil heto na naman magpa-pasko, makakadagdag a naman kami ng kasiyahan sa lahat lalong lalo na sa mga bata. I don't entertain pressure talaga. Nangangarag ako diyan eh. Ayokong mangarag. Gusto o lang mag-enjoy. Hindi ako nine-nerbiyos kung sino makakalaban. Tingnan natin baka nerbiyosin ako sa first week ‘di ba? Pero sa ngayon hindi pa talaga. Kampante pa ako. Kini-claim ko lagi. Kasi mabait ang Diyos sa akin eh, kung ano yung kine-claim ko binibigay niya. He never failed me kahit nung kauna-unahang araw na nag-pelikula ako. Nung ginoogle ko yung mga pelikula namin since 2011 sa amin yung nag-na-number one sa taon. Kaya ang bait bait ng Diyos sa amin. Kung ganun kami kalapit sa Panginoon, matatakot ka pa ba? Wala namang mawawala sa akin kung ike-claim ko,” he said.
More than looking at the other movie heavyweights he will be up against, Vice said the biggest challenge for him would be to surpass the first Praybeyt Benjamin at the box-office. “Challenging talaga ito kasi sobrang successful nung una kaya yung susundan mo siya ng isa pang uri ng pelikula ay isang malaking challenge na kung paano mo ma-su-sustain yung success nung una. Parang kung ganun kalaki yung success niya sana lahat kami dito ay malagpasan or kung hindi man ay sana ma-maintain kasi nakakatakot kung hindi naman,” he said.
Another new addition to the comedy franchise is the inclusion of new characters which Vice was especially happy about. “Mas special ngayon kasi meron na akong Richard Yap, meron pa akong Alex Gonzaga. Hindi sa masyado kong fina-flatter itong dalawa bilang mga paborito ko. Iba yung presence ni Richard eh, ang laki ng naitulong niya sa akin. Nung una si Derek (Ramsay) ang naitulong niya talaga parang may karne dun sa pelikula. Talagang yung mga babae tinitilihan siya sa kada hubad niya inaabangan sa kanya. Si Richard nabigay din niya yun, yung karne-karnehan pero bukod dun nagpapatawa talaga siya. Kaya hindi masyado malaki yung pressure para sa akin na ako lang ng ako yung nagpapatawa katulad nung sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy na yung bida na apat ay puro ako. Tapos ngayon meron pang Alex Gonzaga na kahit wala sa script nagkakaroon talaga ng magandang moment yung eksena. Ang galing dito ni Alex. Kaya ang laki ng saya ko na kasama si Alex dito. Hindi ako mahihirapang magpatawa. Kung ma-waley man ako, meron pa akong Richard Yap at Alex Gonzaga na aasahan,” he said.