• Home
  • Fresh Scoops
  • Tom Rodriguez proud to work with Vice Ganda: 'Siya talaga ang baklang action star'

Tom Rodriguez proud to work with Vice Ganda: 'Siya talaga ang baklang action star'

Tom is happy to be able to work in Star Cinema's The Amazing Praybeyt Benjamin

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/10/2014 12:56 PM
Tom Rodriguez proud to work with Vice Ganda: 'Siya talaga ang baklang action star'


121014-tom_main.jpgTom Rodriguez is Vice Ganda’s kontrabida in the 2014 Metro Manila Film Festival movie of Star Cinema and Viva Films titled The Amazing Praybeyt Benjamin. Just recently, no choice ang dating Pinoy Big Brother housemate na muling pumunta sa ABS-CBN para umatend ng presscon ng pelikula.
 
“I’m happy to be here (ABS-CBN) again,” nakangiting pahayag ni Tom nang makausap namin siya after the presscon. 
 
“It’s a heartwarming feeling din to be able to set foot ulit dito sa ABS-CBN. Last time nandito rin ako (9501 resto) para sa presscon ng Be Careful With My Heart,” patuloy niyang kuwento.

Hindi nagkaroon ng second thought si Tom na tanggapin ang pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin kahit pa exclusive contract star na siya ngayon ng GMA-7. Hindi rin niya itinatanggi na malaki talaga ang utang na loob niya sa ABS-CBN.

‘I started here and I always pay my respect to ABS-CBN. Dito ako nagsimula, eh. It will always be part of my life,” sey pa niya.
 
At saka mahirap tanggihan yung ganito kalaking project. Tapos si Vice pa ang kasama... I’m exclusive with GMA sa TV and sa network, pero wala kaming exclusivity when it comes to movies, eh. 

“We are free to do movies or whatever movie sa kahit anong film outfit,” paliwanag ni Tom.
 
Two weeks ago, nasa bakuran din ng ABS-CBN ang Kapuso star na si Elmo Magalona para sa presscon ng #Y. Posible rin bang makapag-promote siya ng Praybeyt Benjamin sa dating TV network niya?

Depende ’yun sa GMA, to be fair to them. They’re always willing and so giving sa mga artista nila na mag-promote sa ibang networks, kaya I’m sure wala namang magiging problema sa kanila. I want to promote here kung bibigyan ng chance,” he said.

Samantala, Cute ang tawag ni Tom kay Vice after ng kanilang mga stunt sa pelikula. “Siya talaga yung 'baklang action star.' Ang galing ni Vice. Hindi siya napapagod. Mas madali pa nga akong mapagod sa mga fight scene namin,” kuwento ni Tom.

Eh, hindi ba naman siya naiilang kapag may eksenang nag-i-insinuate na nilalandi siya ni Vice?

“Sanay na ako sa kanya. Ha-ha-ha! Wala namang problema sa akin ‘yon kasi dati pa kaming magkakilala,” natatawa ulit niyang pahayag.