• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca admits disappointment over not winning Best Actor award

Jake Cuenca admits disappointment over not winning Best Actor award

Jake Cuenca says that was disappointed when he didn’t win as Star Awards Best Actor but says he is over it.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/10/2014 10:15 AM
Jake Cuenca admits disappointment over not winning Best Actor award


121014-jake_main.jpgSa muling pagbabalik ni Jake Cuenca sa trabaho mula sa pag-aaral niya ng halos isang buwan sa Lee Strassberg Theatre and Film Institute, kasama pa ang pagkapanalo niya bilang Best Actor sa 2014 International Film Festival sa Manhattan para sa pelikulang Mulat. Hindi naman niya ipinagkaila ang kanyang pagkadismaya sa hindi niya pagkapanalo bilang Best Actor sa katatapos lamang na Star Awards. Aminado ang aktor na kung ano pa ang hindi niya inasahang pagkilala, yun pa ang naibigay sa kanya.

“Ganun talaga ang buhay, kung kailan naman nag-expect ka dun hindi nangyari, like I said ganun talaga ang buhay. Yun na nga I had my moment with it, I had my moment of disappointment, there was a moment of nothing. Alam mo yun because we all did our best in that show so regardless kung sinuman ang nanalo, to everyone who won congratulations but yeah, of course I was disappointed at first, but I am over it. It’s behind me and like I said may panibago akong teleserye, nasa harapan ko and its another opportunity for me to showcase my best.”

Kaya naman nang matanong kung may oportunindad siya upang mamili ng pagkilala, kung ang napanalunan niya sa Manhattan o ang Star Awards, “You know its hard, mahirap, ang hirap, you know, Manhattan is Manhattan. It’s an international award, it’s the best actor award but I think malaking bagay din sa akin yung Star Awards because it was for Franco and it was for Ikaw Lamang and I knew I gave so much of my life to that show. I gave so much of my life to that character in fact I lost, at so many points in my life nawala ang sarili ko sa role ko. Which I loved the fact of that, I enjoyed the roller coaster. Nandun talaga yung disappointment pero it happened, tapos na.”

Napag-usapan din ang kanyang ginawa ilang buwan na ang nakakaraan sa isang lingerie fashion show. Aminado din ang aktor na alam niya at nakabasa siya ng ilang mga bashing at batikos sa social media dahil sa kanyang ginawa sa naturang fashion show. Nagpasalamat pa ang aktor sa kanila. Aniya, “Everyone who was there it was the loudest standing ovation of my life and thank you so much sa lahat ng tao na tumili sa akin sa Bench and everyone who hated on it on Twitterverse and IG, well thank you for spelling my name right. At least you still get to talk about me.”

121014-jake_main.jpgMatapos nito ay dineklara na rin ni Jake na huling pagrampa niya na ang ginawa niya nitong nakaraan. “I am done, I’m done with the fashion show. Bago ko pa ginawa yung fashion show na yun in-announce ko na yun and I said it will be my last one and you know what I have no regrets kasi yung audience participation naman nung gabing yun was amazing. It was the loudest one out of all the Bench Fashion Shows that I did even if I was the finale and everyone like that. So I want to thank all of the fans and who went there to the fashion show and it was an amazing experience. Again, thank you the fashion show trend nung inere sa ABS-CBN, thank you for making me trend.” 

At ang rason niya kung bakit ito na ang huli niyang pagrampa, “I think I have done everything already. Yung ginawa ko nung huling fashion show how do you top that? Tell me how then probably I’ll do it pero anything more than that would be immoral and inappropriate.