• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista says she's trimming down her wedding guest list

Heart Evangelista says she's trimming down her wedding guest list

Heart reveals she's having her gown fitting in the US.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/10/2014 3:48 PM
Heart Evangelista says she's trimming down her wedding guest list


121014-heart_main.jpgTwo months bago lumakad sa altar si Heart Evangelista, ibinahagi niya ang kanyang mga plano sa mga huling chapters ng buhay dalaga niya. Hindi sila dito magpa pasko sa Pinas ng future husband na si Senator Chiz Escudero dahil magaganap sa Amerika ang fitting ng wedding gown ni Heart mula sa isang sikat na fashion designer na sa LA naka base.

“Hindi ako dito magpa pasko sa LA kami tapos may fitting na rin ako doon first time naming lalabas ng bansa na kami lang, yung mga bata at si Chiz. Pero sa New Year nandito kami at least yung last New Year ko as a single girl kasama ko naman ang family ko, dad ko at saka mommy ko.”

Good news din na nai-share ni Heart na umaayos na ang sitwasyon sa kanyang pamilya.

“Maayos na ang situation with my family. Sa part namin ni Chiz wala naman deadline yun pero its more better today than yesterday and its getting better at yun ang important sa bawat pamilya. Tanggap na nila na ikakasal na ako. Accepted na nila yun pero ang next step na magkikita kita na lahat pinagdadasal pa namin yun pero wala na talaga sa kanila ang galit, masaya na sila lalo na ang dad ko happy siya na makakahanap na rin ako ng sarili kong pamilya kampante na rin siya na tumatanda na rin siya, alam na niya na may mag aalaga sa akin”

Ready na rin si Heart na magsimula ng pamilya pagkatapos ng kasal. Nasa plano na rin ni Heart kung ilan ang anak na gusto niya.

“Oo pwede na, doon din naman ang punta ng lahat at nagawa ko na lahat ng gusto ko gawin sa showbiz matagal na ako nag artista 16 years na rin so kung mabubuntis ako masaya na rin ako. Siguro dalawang anak ok na ako (laughs) kasi sa ngayon importante ang maging praktikal sa buhay, kung isa o dalawa lang sigurado na mabibigay naming lahat ng kailangan ng baby.”

Ok na ang bawat detalye sa araw ng kasal pero dahil parehong personalidad sa magkaibang fields, sumobra ang listahan ng kanilang bisita at ito ang inaayos nila ngayon.

Smooth naman ang mga plans for the wedding naaayos na naming lahat, nagbabawas lang kami ng konti sa guest list kasi ayaw din naman namin ng masyado magulo during that day so titingnan naming kung paano paliliitin ang list ng bisita pero other than that ok na ok na kami.”

At sa nalalapit na Pasko, wala ng mahihiling pa si Heart dahil maayos na ang lahat sa ngayon.

“Nakakahiya na humingi pa gusto ko na lang magpasalamat sa Diyos kasi sobrang masaya ang buhay and it’s not all the time that life can be good so I am really blessed and I wish everybody the same”