• Home
  • Fresh Scoops
  • Former child wonder Nino Muhlach very proud of his son Alonzo

Former child wonder Nino Muhlach very proud of his son Alonzo

Nino says he had no plans of letting his son enter showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2014 6:37 AM
Former child wonder Nino Muhlach very proud of his son Alonzo


120214-nino2_main.jpgWala na sa dating child wonder ng Philippine cinema na si Nino Muhlach ang atensyon ngayon ng entertainment press during the presscon of My Big Bossing, ang entry sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Vic Sotto. 
 
Sa bibong anak niyang si Alonzo, who is only four years old, na introducing sa movie nakatuon ang atensyon ng maraming press.
 
Happy ako siyempre, masayang-masaya ako lalo na nu’ng pinapanood ko yung trailer. Nakakatuwa pala kapag yung anak mo na yung pinapanood mo,” simulang kuwento ni Onin sa interbyu ng Push.
 
Paano ba niya nalaman na gusto ring mag-artista ni Alonzo?
 
Actually, marami ang nagsasabi na carbon copy ko raw si Alonzo, na puwede siyang mag-artista, pero nagsimula talaga yan sa PBB nung kinuha siya. Kailangan daw nila ng limang batang papaalagaan don sa mga housemates. So, tinawagan ako ng ABS-CBN kung puwede raw na for one week, papasok si Alonzo do’n sa loob four hours a day.
 
“Tapos, ano... okay naman. Tinanong ko siya kung gusto niya, eh, gusto naman niya. Nagkataon naman na siya ang pinag-usapan nang pinag-usapan kaya ‘yon...” dagdag kuwento pa ng proud father.
 
Inamin ni Nino na hindi niya talaga binalak na gawing artista ang anak niya.
 
“Hindi ko talaga binalak, kasi kung ginusto ko sana, tinuruan ko na ng Tagalog ‘yan... Wala talagang plano, eh, basta dumating na lang,” say pa niya.
 
“Buti nga ngayon, medyo natututo na. Magmula nu’ng nag-artsita na siya, kinakausap na namin siya ng Tagalog sa bahay. Nu’ng time ko kasi, hindi naman naging problema sa akin yung English at Tagalog, iba sa case ni Alonzo, eh,” patuloy pa niya.
 
Nai-share din ni Onin na bilang child star noon, napakaganda ng kanyang mga pinagdaanan na wish din niya na ma-experience ng kanyang anak.
 
As a child star, happy ang buhay ko noon. Maganda rin ang nagawa no’n sa akin, nakapag-ipon ako, nagkaroon ako ng building, kumbaga, hindi po masama, eh. So, why ill I deprive my son to experience something like that.
 
“Pero siyempre, aalagaan mo rin. Kailangan mo talagang i-guide dahil kung hindi baka... kasi maraming ano, eh. Kung hindi baka mapariwara.”

Ayaw matawag ni Nino sa stage father kaya ipina-manage niya si Alonzo sa iba.
 
“Kaya nga kinuha ko si Tita Aster (Amoyo) para mag-manage sa kanya, eh, para iwas-iwas diyan sa isyu ng pagiging stage father. Pero siyempre, tatay ako eh, I will always look for his welfare. Tulad sa akin, kung anong ginawa sa akin ng daddy ko, siguro ganu’n din ako sa kanya... Kung hindi rin naman sa ginawa ng daddy ko, wala rin naman akong na-invest eh,” paliwanag pa niya.
 
Sinigurado rin ni Nino na iipunin niya nang maayos ang kikitain ni Alonzo at kapag dumating ang tamang edad nito ay ibibigay niya ’yon ng buung-buo sa anak.
 
Bukod sa My Big Bossing, magbibida rin sa isang teleserye si Alonzo sa ABS-CBN. Abangan na lang daw ang tungkol dito at kung kailan ito magsisimula.