• Home
  • Fresh Scoops
  • Gabby Concepcion says he tries to console daughter KC in her time of grief

Gabby Concepcion says he tries to console daughter KC in her time of grief

Gabby said he and KC are in constant communication these days because of her Lola Elaine Cuneta's passing.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/9/2014 3:27 PM
Gabby Concepcion says he tries to console daughter KC in her time of grief


110914-gabby_main.jpgMas pinili ni Gabby Concepcion ang tahimik na birthday kahit na 50 years old na siya ngayong taon. Nakasabay kasi ng kanyang kaarawan ang pagpanaw ng kanyang naging mother in law na si Elaine Cuneta.

"Mas lalong hindi ako dapat mag-party on the day that has a lot of tragedy," sabi ng aktor. 

Binalikan naman ni Gabby ang mga alaala kasama si Mommy Elaine.

"Kapag nagdi-dinner kami at Christmas, may birthday kasi, siyempre bahay ni mayor, maraming tao, laging masaya. Very lively siya," pagkwento pa niya.  

Ang kanyang anak na si KC ang isa sa pinaka affected sa pagpanaw ng kanyang Lola. Kaya madalas daw silang magka text ngayon na mag ama at pinagagaan niya ang loob ni KC.

"Sabi nga niya sa akin, she is lika a mom to me noong mommy niya is busy. Also when she couldn't be there for her, si Mommy Elaine would be there. Sabi ko nga , I will include her in my prayers. I'm sure she is in heaven right now, you'll be ok. Just smile. I'm sure she wants us all smiling and happy, so cheer up." 

Hindi pa nakaka dalaw si Gabby sa wake ni Mommy Elaine pero nagpadala na daw siya ng mensahe ng pakikiramay sa pamilya ng namayapa.