• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla on helping his hometown: ‘Kapag tumulong ka, hindi mo naman kailangan ng award'

Daniel Padilla on helping his hometown: ‘Kapag tumulong ka, hindi mo naman kailangan ng award'

Daniel says his mom Karla Estrada was the main mover in their activity to help Yolanda victims.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/9/2014 10:41 PM
Daniel Padilla on helping his hometown: ‘Kapag tumulong ka, hindi mo naman kailangan ng award'


110914-daniel_main.jpgHapon pa lang ay napuno na ng tao ang Quezon City Memorial Circle nu’ng Friday (Nov. 7) para manood ng Handumanan: Pasasalamat Sa Mga Bayani ng Haiyan (Yolanda) free concert  na in-organize ng actor-producer na si Carlo Maceda at ng kaibigan niyang si Atty. Tecson Lim para sa binuo nilang Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI).

Nag-perform ang iba’t ibang sikat na band for free at mga OPM singers like Myrus, Kitchie Nadal, Gracenote, Jeth Adriano at iba pa.

Mas lalong pinainit ang gabi ng free concert sa pagdating ng mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla na parehong recipient ng Handumanan Award.

Nagtilian ang audience nang tinawag na si Daniel at binigyan ng certificate sa stage nina Carlo Maceda at ni Tacloban, Leyte First District Congressman Ferdinand Martin Romualdez.

Sina Karla at Daniel ay itinuring na bayani ng HDGI dahil sa pagsasagawa nila ng libreng concert sa Tacloban ilang buwan na ang nakakaraan para pasayahin ang kanilang mga kababayan doon.

Hindi naman po ’yon (award) ang mahalaga, eh. Pero kapag binigyan ka, parang mas lalong ang sarap tumulong, ’di ba?pahayag ni Daniel nang makausap namin after niyang tanggapin ang award.

Ang sarap lang ng feeling na tumulong ka tapos may award ka pa. Maraming, maraming salamat sa award na ibinigay po sa amin ni Mama,” dagdag pa ng Teen King.

“’Yung ginagawa naming concert sa Tacloban, actually si Mama talaga yung gumawa no’n. Pumunta talaga siya sa Tacloban, nagpa-feeding siya doon.”

Ayon pa kay Daniel, hindi siya nag-i-expect ng kapalit sa ginawa nilang mag-ina.

“Kapag tumulong ka, hindi mo naman kailangan ng award. Hindi naman ‘yon ang mahalaga,” napaka-humble niyang pahayag.

Para sa grupo nina Carlo at Atty. Tecson, kapuri-puri ang ginawa ng mag-ina at dapat lamang na ito ay i-recognize.

Ang ginawa ni Daniel ay magandang halimbawa para sa mga kabataang katulad niya na hindi ipinagdadamot ang talento para makatulong sa kapwa,” papuri ni Carlo sa binata.