Aiai Delas Alas says she is happy with her love life

Although the actress didn't go to too much detail, she admits she is content with the state of her relationship with Gerald Sibayan.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/9/2014 3:26 PM
Aiai Delas Alas says she is happy with her love life


110914-aiai_main.jpgFifty years old na ang Comedy and Concert Queen na si Aiai Delas Alas ngayong November 11 at advance siya nag celebrate ng kanyang kaarawan nitong Sabado sa pamamagitan ng isang badminton celebrity tournament sa isang badminton court sa San Juan.

Wala na nga mahihiling ngayon si Aiai dahil masaya siya sa kanyang career at personal na buhay.

"Good health and marami naman blessings na ibinigay si God sa akin so iyon super good health sa mga bata, sa akin at super blockbuster sana yung Past Tense," ang sabi ni Aiai tungkol sa kanyang wishes.  

Present sa celebration ang non showbiz BF ni Aiai na si Gerald Sibayan. Naging mailap si Aiai nang ito na ang nagging topic ng usapan.

"Ay huwag na natin siya isali, ok na iyo. Oo, happy naman ako sa life ko, mas happy lang kasi nandyan siya," maiksing sagot nito.  

Malayo man ang agwat ng kanilang edad, hindi ito nakikitang hadlang ni Aiai dahil peaceful ang kanialng relasyon ni Gerald na former member ng Badminton Philippine National Team.

Dagdag pa ni Aiai, dumating si Gerald sa buhay niya sa mga panahon na ayaw na niya sana makipag relasyon muli pero pinatunayan nito na kaya niya pa ang magmahal muli.

"Ang pag-ibig naman wala yan sa edad eh. Dumating siya sa buhay ko ng, siguro ibinigay siya sa akin hindi ko namain ineexpect yun. Yung time na ayaw ko na talagangan ma-boyfriend. Pero noong dumating siya parang, ay may mabait palang lalaki talaga. Or mayroon pala talagang lalaki para sa akin. Siguro iyun yon." 

Ilan sa celebrities na nag attend ng celebrity badminton tournament ni Aiai ang mag asawa na Glydel Mercado at Tonton Gutierrez at ang actor na si Neil Coleta.