Parehong musikero sina yeng at Victor kaya naman maraming nagsasabing tila magiging isang rock concert ang tema ng ikakasal dahil sa pareho nilang hilig sa musika. Ngunit sinabi na ni Yeng na kabaligtaran ang kung ano ang inaasahan ng lahat. “Pareho kaming musician, pareho kaming rakista so everyone is expecting na magiging rakista yung theme ng wedding naming pero actually there is this side of him and me na hindi alam ng mga tao, ng mga families namin, na very introvert talaga kami. Tapos ako mahilig din ako sa cute stuff so hindi actually siya maingay, sobrang chill. Alam mo parang dinner date, mukha siyang ganun, may cello, may piano, ganun lang yung mga musicians. Hindi siya electric guitars or whatever, basta a lot of cute stuff.”
Pagdating naman sa mga kukuning abay sa kanilang kasal, “Alam niyo po kahit sa showbiz ako nagtatrabaho, ang circle ko po ay non-showbiz. So karamihan po sa mga ninong, ninang mga entorurage, mga non showbiz po talaga, mga friends form church, from way back high school.” Pero siniguro naman ni Yeng na ang mga kaibigan niya mula sa show business ay imbitado.
Isa din sa mga kinagiliwan itanong sa kanya ng ilang press people ay kung ano ang magiging kulay ng kanyang buhok sa kanyang kasal. “Hindi ko mapredict eh pero right now pink pa yung nasa mood ko so pink muna siguro pero sa oras na yun hindi ko alam kung ano.” Ngunit siniguro niyang hindi itim ang magiging kulay ng kanyang buhok sa kanyang kasal. “No, I just want to be myself. Kung ano pang feel ko at that time yun po ang gagawin ko.”
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang paniniwala ni Yeng pagdating sa pakikipagtalik. Kahit kailan naman sa mga panayam ni Yeng, pinapanindigan niya na dapat mauna muna ikasal ang magkarelasyon bago gawin ito. “Hindi ko sasabihin na perpekto kami pero ang pinakagusto ko talaga yun. Ang hirap din sabihin, pero yung physical intimacy sana magagawa lamang kapag kinasal na. I believe po na mas maho-honor namin ang parents namin, si God, in that way. It is not easy but it is worth it.”
Ngunit kahit ganito ang paninindigan ni Yeng at ng kanyang fiancé sa kanilang relasyon, naiintindihan naman ni Yeng na sadyang may nangyayari sa ilan bago o hindi pa man ikinakasal. “Hindi naman namin sinasabi na hindi kami nagstru-struggle with it. That for sure kapag mahal mo ang isang tao, naiintindihan ko yun eh, gusto mo lang talagang maging intimate physically with someone na mahal mo pero ito yun eh, may impulse ka pero binigyan ka rin ng Panginoon ng utak to decide. So kapag napupunta na kami dun siyempre kami decide na lang kami na mahal natin si God, mahal natin families natin, mahal natin parents natin and we love each other. We want to build yung relationship namin sa trust and if now matu-trust niya ako, with this, I know mas magfu-flourish yung relationship namin within the marriage na.”