News Anchor, tambay sa casino?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

11/7/2014 10:55 AM
News Anchor, tambay sa casino?


110714-ogie.jpgIwas-iwasan na sana ng isang kilalang news anchor ang kapupunta sa isang sosyal na hotel, hindi dahil wanted siya doon or may utang siyang iniwan, kundi madalas siyang makitang nagka-casino kasama ang kanyang dyowa. 

Mahirap na, baka makunan siya ng video o mapiktyuran siya playing slot machine o nasa table siya playing cards or baccarat, tapos, yun ang mabasa niyang news sa kanyang news program, 'di ba? 

Eh, ang tsika, nadamay lang si news anchor sa mister niya sa pagkahilig nito sa casino. 

Minsan nga raw, nagkita pa si news anchor at ang ex-boyfriend nitong isang TV host sa sosyal na casino at nakapagtsikahan pa. 

Wala namang masama sa pagka-casino for as long as you don't make it as a habit or hobby. And hangga't alam mo ang limitasyon mo. 


Pero as a news anchor or broadcaster, dapat, alerto ka sa paligid mo. Aalagaan mo ang iyong reputasyon. 

Kaya I think, dapat na siyang umaksyon sa pamamagitan ng "pag-behave" o pagtigil sa pagka-casino.