• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Samonte on being called ‘walang utang na loob’: ‘Sanay na po ako’

Nadine Samonte on being called ‘walang utang na loob’: ‘Sanay na po ako’

Nadine Samonte says she finished her contract with TV5 before she transferred to ABS-CBN.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/7/2014 10:14 AM
Nadine Samonte on being called ‘walang utang na loob’: ‘Sanay na po ako’


nadine.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kinompirma na ang pagiging newest Kapamilya star ni Nadine Samonte.

Ayon kay Nadine, grateful siya sa ABS-CBN sa pagbuhos ng mga projects. Matapos ang paganap ni Nadine sa Maalaala Mo Kaya, nagulat si Nadine nang agad makatanggap ng role para sa Hawak Kamay.

Kinabahan diumano si Nadine noong una niyang sabak sa Hawak Kamay kasi iyakan agad ang mga eksena, ngunit mabilis naman siyang naka-adjust kasi “sobrang happy ang set.”  Masaya rin siyang makatrabaho sa Hawak Kamay ang Kapamilya big stars Piolo Pascual at Iza Calzado. 

Dahil na rin sa pagpalipat-lipat niya sa mga estasyon, inakusahan si Nadine na “walang utang na loob.” Ayon kay Nadine, sanay na siya sa ganong akusasyon. Depensa naman niya, “Tapos na ang contract ko with TV5 so nag-try po ako with ABS-CBN.” Dagdag pa ni Nadine, “Freelance pa naman po ako kaya walang issue.”

Usap-usapan rin nang pumutok ang balita na isang taon na palang kasal si Nadine sa businessman na si Richard Chua. Bakit nga ba tinago ni Nadine at Richard ang kanilang kasal? Sagot ni Nadine, “Para may privacy naman.”  Kwento ni Nadine, maging ang videographer at photographer ng kasal nila ay kinausap nila na hindi nila pwedeng ilabas ang mga kuha sa kasal. Pati raw pamilya ni Nadine ay hindi kumpleto nang sila ay ikasal. 

Ginanap ang kasal sa farm ng pamilya ni Richard sa Zambales noong October 30, 2013. Galing na rin sa Bali, Indonesia si Nadine at Richard para sa kanilang anniversary celebration. Naging relaxed naman daw ang kanilang bakasyon at sinusubukan na nila magkaroon ng baby.