Unang nagsalita si Matteo tungkol sa pagiging bukas nila sa publiko ni Sarah Geronimo tungkol sa kanilang relasyon. Aniya, “You have to accept it talaga. I tell her all the time, we have to accept everywhere we go, people are going to take pictures. Sabi niya, ‘huwag’, pero you have to accept it ‘di ba?” sabi ng actor.
Pinuri din ni Matteo ang kasintahan sa kung paano tinatanggap ni Sarah ang lahat ng nangyayari sa relasyon nila ni Matteo ngayong alam na ng publiko ang tungkol sa kanilang dalawa. “But she is cool. She is getting to be a grown-up, kumbaga.”
Natanong din ni KC kung ano ang ginagawa nilang magkasintahan kapag sila ay magkasama, “Dinner, dinner lang,” maiksing sagot ni Matteo. (continued on next page)
Hindi na rin pinalagpas ang pagkakataon ni Kris kasama si KC at Daniel Matsunaga alamin ang love story nina Matteo at Sarah. Unang tinanong ni Kris kung paano nagkaroon ng lakas ng loob manligaw si Matteo lalo pa at hindi naman lingid sa lahat ang pinagdaanan ni Sarah pagdating sa aspeto ng kanyang buhay pag-ibig. Aniya, “Nothing, my intentions were good naman. Everything is not perfect pero I mean, ‘di ba, my plate’s clean so nothing to be afraid of, ‘di ba Kace?” sambit pa ni Matteo.
Sa tanong ni Kris at KC na, “Ano yung moment na parang, you told yourself na, ‘Ok, liligawan ko na si Sarah?,” at “Ano yung turning point na gusto mong ligawan yung tao na ito?” ay naging mabilis naman ang sagot ng binate. “I knew na Kace, 5 years ago pa. I knew I liked her already, na 6 years ago pa. And then things happened for a reason, our paths crossed again and tuloy-tuloy na.” Inamin din ni Matteo na sa kanilang show abroad, nang magkaroon sila ng concert tour nagsimula ang lahat.
Ibinahagi din ni Matteo ang unang pagkakataong nakita niya si Sarah. “Bumped into her, see her, parang very simple, she won’t even look.” Dagdag pa ni Matteo, “I find her very beautiful, charming and so on, ‘di ba we even spoke about this in the airport one time?,” sabi pa ni Matteo kay KC.
Tinanong din ni Kris si Matteo kung paano ang komunikasyon nila pagdating sa pagtawag at pagtext. Tinetext niya ba ang kasintahan ng “good morning?” “Always, and good night,” sabi ni Matteo. At kinakamusta nila ang isa’t isa sa tawag man o text, “Every 30 minutes, 20.”
Parehong busy sina Matteo at Sarah sa kani-kanilang mga proyekto kaya naman nang matanong si Matteo kung paano nila ginagawan ng paraan na maglaan ng oras sa isa’t isa, ang simpleng sagot niya, “There is always a way, ‘di ba?”