"Unang-una po, hindi ako nakatira sa condo. Yun dating tinitirhan ko sa Project 8 (Quezon City), hindi naman yon condo. Apartment 'yon, P12,000 ang renta ko do'n at kayang-kaya ko naman pong bayaran 'yon kasi may mga trabaho naman ako," he explained.
Matagal din daw siyang tumira sa Quezon City, pero ngayon ay nasa Taytay, Rizal na siya.
"Six months na akong wala sa apartment. Do'n na ako sa Taytay umuuwi. Hindi pa kumpleto yung gamit ko do'n, pero okey na rin. Ang mahalaga bahay ko na mismo yung inuuwian ko," dagdag pa niya.
Ayon pa kay Ejay, baka raw iniisip ng iba na yung pag-alis niya sa dating apartment sa Quezon City at paglipat sa Taytay an dahilan kung bakit naiisyung pinalayas siya sa inuupahang bahay.
"Baka nga po ganu'n. Hehehe!" reaksyon niya.
May kutob din si Ejay kung kanino nanggaling ang maling information tunkol sa kanya kaya lang ayaw na niyang magsalita tungkol dito.
Samantala, ipinagmalaki ng aktor na hinuhulugan pa niya hanggang nayon ang biniling bahay sa Taytay same village nina Toni at Alex Gonzaga. Four bed rooms daw ito at kapag okey na ang lahat ay ipapasyal pa niya kami doon.
Nasa Cavite si Ejay when he called us to give his side. Kasalukuyan daw siyang nagti-taping para sa Maalaala Mo Kaya para sa anniversary ng paghagupit ng bagyong Yolanda na next Saturday pa ipalalabas.
"Four days na po kaming nagti-taping. Medyo mahirap kasi bagyo-bagyo ang eksena kaya next week pa raw ipalalabas," kuwento pa niya.
Sa November 11 naman magre-resume ang taping niya for Pasion de Amor kasama sina Ellen Adarna, Jake Cuenca, Joseph Marco, Arci Munoz, Coleen Garcia at marami pang iba.