• Home
  • Fresh Scoops
  • Bangs Garcia admits she is exclusively dating Phil Younghusband

Bangs Garcia admits she is exclusively dating Phil Younghusband

Bangs Garcia says her ‘exclusively dating’ status with Phil Younghusband means she’s not entertaining other suitors.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/7/2014 11:30 PM
Bangs Garcia admits she is exclusively dating Phil Younghusband


110814-bangs_main.jpgOn Aquino and Abunda Tonight, inamin na ni Bangs Garcia na exclusively dating na sila ni Azkals star Phil Younghusband. Paglilinaw ni Bangs, ibig sabihin nito ay hindi na siya nagpapaligaw sa iba.

Gusto raw ni Bangs kay Phil ang pagiging “God-fearing” nito. “We always put God in the center of our relationship.” Sinabi rin ni Bangs that they “get along very well.”

Hindi raw nila napag-uusapan ang naging relasyon ni Phil kay Kapamilya star Angel Locsin. Noon diumano si Bangs ang nag-o-open tungkol sa past relationships niya, pero tinigilan na niya nang mapansin niya na hindi si Phil komportable pag-usapan ang past relationships nito.

Hindi rin mahalaga kay Bangs kung hindi siya gusto ng mga fans ni Phil at hindi rin daw nila napag-uusapan ni Phil ang tungkol dito.

Kwento pa ni Bangs, wala nang parents sina Phil at James at tumatayo silang “parents” or guardian sa bunso nilang kapatid. Nakakarelate diumano si Bangs kasi may nakababata siyang kapatid na may DOWN syndrome at kung gaano kaalaga sila Phil sa bunso nilang kapatid ay gano’n din si Bangs sa nakababata niyang kapatid. Dagdag pa ni Bangs, kasundo niya ang bunsong kapatid nila Phil at kasundo rin niya si James. 

Pagtatapos ni Bangs, hindi pa sila “nag-I love you” ni Phil sa isa’t isa, ngunit sabi ni Bangs ay nagsasabihan na sila ng “I miss you.”