The Beauty in a Bottle star said she is more concerned about issues that affect her loved ones more than personal attacks on her talent. “Hindi naman ako na-fu-frustrate, ready naman ako sumagot sa lahat ng mga tanong kagaya ng ganyan so feeling ko nasanay na ako. Ayoko lang na makakarinig ako ng mga issues tungkol sa akin na hindi totoo kasi yun talaga yung ipaglalaban ko,” she said.
In fact, Angeline said she has been trying to veer away from being compared to anyone in the music industry so she can be acknowledged for her own merit. “Ginagawa ko naman yun lalong lalo nung una akong nabigyan ng chance kumanta ng teleserye theme song. Kasi si sir Jonathan Manalo yung producer ko sa lahat ng album ko so siya mismo yung nagsasabi sa akin na merong mga oras talaga na may boses ako na lumalabas sa akin na kahawig talaga nung kay Miss Regine Velasquez. Ginagawan namin ng paraan yun. Kasi ayoko talaga na tumanda ako nasasabihin nila na ginagaya ko si Ms. Regine. Ayoko ng ganun. Nagsasawa na ako. Gusto ko talaga makilala as a singer na si Angeline Quinto na sana unti-unting matanggap ng tao at makita ng tao sa akin yun. At saka happy na ako. Sobrang close ko kay Miss Regine Velasquez. Dun pa lang nagpapasalamat na ako,” she explained.
Angeline said she really wants to study culinary arts when her schedule permits. “Kasi may mga ilang culinary schools na nag-o-offer sa akin ng libre, para bigyan din ako ng diploma so sabi ko hindi ko talaga tatanggihan yun. Dati kasi gusto ko HRM kasi hindi kaya ng budget namin ang culinary kasi ang mahal. Eh yun yung time na nakapasok ako sa Star Power so hinto talaga lahat. Gusto ko makatapos ng pag-aaral at saka na-mi-miss ko yung pagpasok sa eskuwelahan everyday. Yung nagiging ng umaga, ganun. Ngayon hindi na ako mahihirapan kasi may sarili na akong sasakyan hindi na ako mag-co-commute. Feeling ko mas madali at saka may mga bagong kaibigan din. Yung iba ayaw nila kasi daw baka mabarkada ako. Pero nasa sa akin naman yun,” she said.