Yen Santos admits she almost quit showbiz

The former PBB Teen housemate said she thought show business was not for her.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2014 9:01 AM
Yen Santos admits she almost quit showbiz


110614-yen_main.jpgAminado si Yen Santos na nakatikim siya ng malulutong na mura mula kay Direk Erick Salud nung baguhang artista pa lang siya taong 2010 sa teleseryeng Mutya.

“First iyak scene ko talaga sa series na ‘yon, hindi talaga ako makaiyak. Nung mga panahon kasi na ‘yon sobrang wala pa talaga akong experience sa acting, parang bigla akong sinalang lang,” pagri-recall ni Yen.

Minumura na talaga ako ni direk. Siyempre hindi naman ‘yon personal... motivation ‘yon, kaya lang, siyempre masakit pa rin. After nung Mutya  ang dami ko pang na-experience na ganu’n, na hindi ako makaiyak, tapos talagang pinapagalitan ako, puro bad words talaga...ganun,” dagdag na kuwento pa niya.

Gusto na rin noong mag-give-up ni Yen sa showbiz.

Nag-aaway na kami ng mommy ko kasi wala nga namang nangyayari. Tapos sa Nueva Ecija pa ako umuuwi, dusa talaga. Naisip ko na ring mag-give-up kasi nga, pag-iyak lang hindi ko pa magawa. Baka hindi talaga para sa akin ang showbiz,” sambit pa niya.

Kaso nagbago din daw ang kanyang isip tungkol sa bagay na ito. 

Parang... ano ang mapapala ko kapag nag-give-up ako, ‘di ba? Kaya ang ginawa ko, inayos ko ang sarili ko, inisip ko na challenge para sa akin ang nangyayari,na dapat  galingan ko, na aralin ko ang bawat character na ibibigay sa akin para hindi ko na maging problema ang pag-iyak na ‘yan, para meron akong pinaghuhugutan,” paliwanag ni Yen. 

Nang dumating ang Pure Love at makapasa siya sa audition bilang Ysabel, hindi inakala ni Yen na malaki ang mababago sa kanyang career.

Ito po talaga yung biggest break ko. Pero hindi korin ini-expect na ganito kalaki yung character ko. Sobrang thankful ako na pinagkatiwalaan ako para sa role,” maluha-luha niyang pahayag.

 Ngayon ay napakadali nang paiyakin ni Yen sa mga eksena. Ayon sa kanilang direktor sa Pure Love na si Veronica Velasco, in a split second, kayang-kaya nang umiyak ni Yen. Maging si Alex Gonzaga na kasama niya sa Pure Love ay napi-pressure kapag iyakan ang eksena nila ni Yen.

Sey pa nga ni Alex, “Nakakatakot siyang kaeksena. Tatalikod lang siya tapos andyan na, iiyak na kaagad siya (Yen).”

Puring-puri rin ng cast  like Joseph Marco, Anna Luna, Arjo Atayde, Yam Concepcion at Matt Evans na present sa Pure Love farewell presscon ang galing sa pag-arte ni Yen.

Naku, pinagbubuti ko lang naman po ang trabaho ko. Malaki ang naitulong ng mga nangyari sa akin noon kung paano ko nagagawa ang mga eksena ko ngayon. Siguro, kung hindi ko rin na-experience na mapagalitan at murahin noon, hindi rin ako magiging effective sa ginagawa ko ngayon,” reaksyon pa ng dalaga.

 Magtatapos na ang Pure Love sa Nov. 14.