• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco reacts on his rumored “bromance” with Arjo Atayde

Joseph Marco reacts on his rumored “bromance” with Arjo Atayde

Joseph says he doesn't care if people put malice on his and Arjo's friendship.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/6/2014 9:13 AM
Joseph Marco reacts on his rumored “bromance” with Arjo Atayde


110614-joseph_main.jpgNagsimula ang closeness nina Joseph Marco at Arjo Atayde sa TV series na Pure Love na malapit na ring mag-end next week. Joseph played the role of Jake at si Arjo naman ay si Raymond.

Ang simpleng pagkakaibigan ng dalawa ay nauwi sa pagiging mag-bestfriend.

“Feeling ko dito talaga kami naging close sa Pure Love, pero before, parang iba na rin kasi yung relationship namin towards each other. Ako kasi,  I’m very choosy when it comes to friends, parang bihira talaga akong magtiwala, bihira akong maging komportable sa isang tao, so once  na nagustuhan ko yung tao, talagang gusto ko yon.

“I found that in Arjo kasi sobrang down to earth niya, he’s very cool at he’s kind-hearted niya, ‘yon ang nakita ko sa kanya kaya naman nag-click rin siguro kami,” kuwento sa amin ni Arjo.

Walang pakialam si Joseph kahit “bromance” ang tawag sa relasyon nila ni Arjo.

“Ako, I don’t really care about it, so kung anong isipin nila, wala naman sa akin ‘yon. Actually, bukod kay Arjo,  close ko rin si Bryan Santos, silang dalawa,” kuwento pa niya.

Nai-share din ni Joseph ang para sa kanya ay weird sa personality ng best friend.

Ay kapag sa set nakatulog siya grabe ang tagal niyang gisingin. Sobrang hirap. Ang tagal, siguro 10, 15 minutes bago siya magising. Ako kasi I find it weird kasi hindi ako ganun. He-he-he. Madali akong gisinging,” natatawa niyang kuwento.

Kahapon (Nov. 5) ay nag-post pa si Joseph sa Instagram account niya ng mga larawan nilang dalawa ni Arjo at ng birthday message para sa kaibigan.

“To a very generous and kind-hearted person, to the one who’s very considerate and unselfish to a guy who’s very passionate about acting, to the best actor and very versatile dude I know, to a person who treats his friends like brothers, @arjoatayde, happy birthday!

“You’ve always been there for me no matter what. You’re such a true person, hard to find. That’s why I will treasure our friendship. You deserve every blessing thhat you’re receiving. I’m proud of all your achievements and i’m proud of who you are...

“I’m proud to say that you’re my best bud. You’re my blood brother. I will forever be your brother. No matter what.”
joseph.jpg
Ang sweet namang best friend ni Joseph.