Megan Young reveals plans after her Miss World reign

Megan Young says she has been asked to continue with her Miss World duties after she passes on the crown.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/6/2014 6:00 AM
Megan Young reveals plans after her Miss World reign


110614-megan_main.jpgFresh at simpleng simple lang ang ayos ni Miss World 2013 Megan Young nang dumating siya sa Philippine General Hospital para sa magbisita sa mga batang may sakit na cancer na tinutulungan ng Miss World Organization.

Ito na rin ang last official function ni Megan bilang Miss World kaya aminado siya na very sentimental na siya sa mga panahon na ito.

Kasi siyempre one year mo lang talaga maisusuot ang blue crown na suot ko ngayon and you know kaisa-isa lang ito so siyempre kapag nakita mo ang bagong Miss World medyo may kurot ng kaunti sa puso dahil you know crown ko iyun eh, pero alam ko naman na marami na ang nakasuot nito before me and they’ve been very successful kumbaga isang chapter lang ito ng buhay ko, it has to come and go but good memories will remain.”
 
Good news din na sinabi ni Megan na extended ang kanyang duties sa Miss World Organization dahil sa kanyang charisma at attitude. Si Megan ang ika-apat na Miss World title holder na inalok ng ganito.
 
Masaya ako na kumbaga na extend iyung work ko with them and I know na internationally matutulungan nila ako kung ano ang mga bagay na gusto ko gawin sa buhay ko. Gusto ko ipagpatuloy ang acting ko gusto ko na makapag work shop pa ako kasi alam ko naman na kailangan ko pa. It’s a never ending learning process and of course gusto ko pa rin ituloy ang hostings ko.”
 
Ngayon pa lang, nagpa flashback na si Megan ng kanyang di makakalimutan na experience bilang unang pinay na nanalo ng titile. “Pinaka mami-miss ko sa Miss World siguro iyung travelling, ito iyung isa sa paborito ko kasi ang dami ko napupuntahan ang dami ko nakikilala. Parang feeling ko bawat bansa na napupuntahan ko may kakilala may kaibigan na ako. So every time na pupunta ako doon wala ng problema may kakilala na ako. Pinaka natutunan ko bilang Miss World is just be pleasant. Magpakabait palagi minsan kahit na medyo itinutulak ka na sobra na iyung tao, hindi na maganda ang ginagawa kailangan pleasant ka pa rin.”
 
At may mensahe rin si Megan sa susunod na Miss World. “You always hope na sana iyung susunod na Miss World eh you know very kind and generous and hard working. Kung saan man galling ang susunod na Miss World sana ganun. I think I did my very best.”

Hanggang December 15 si Megan sa London para sa coronation night ng pageant at uuwi kaagad dito sa Pilipinas para dito mag Pasko kasama ang mga kapamilya at mahal sa buhay.