Jericho Rosales does bad boy role in “Red”

The actor says his character in the indie film is very different from the roles he has already portrayed.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/5/2014 7:00 PM
Jericho Rosales does bad boy role in “Red”


jericho.jpgTiyak na magugulat ang fans ni Jericho Rosales sa mapapanood nila sa pelikulang Red na isa sa mga entry sa 10th Cinema One Originals. Malayung-malayo daw sa character niya bilang Adrian sa huli niyang teleseryeng The Legal Wife ang role niya sa bagong indie film.

Ibang-iba talaga. Kahit nga ako nagulat din na magagawa ko ‘yon, eh,” nangingiting kuwento ni Echo.

Si Jericho ang bida sa Red and he will be playing a fixer na madalas nagmumura. Being a Christian, hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula?

“Artist ako, eh. It’s just a role,” katwiran ng aktor. “Saka matagal ko nang gustong makagawa ng action scenes. Dito sa pelikula namin, natupad yung pangarap ko,” dagdag pa niya.

Wala rin daw isyu sa faith niya ang pag-portray niya ng character ni Red.

“Regarding my faith, being a Christian naman, I’m not here to preach but to be an example. Pero as an actor, kailangan ng real stories, eh. Kailangang mag-portray ng character.

Si Red kasi, medyo parang fictional. Pero sa story, maraming reality like yung nagmamahal siya, gumagawa siya ng madaming mali, tapos yung ending ng story is a typical risk kung ano ang klase ng buhay mo,” paliwanag pa niya.

Aminado si Echo na first time niyang ginawa sa pelikula ang magmura nang magmura.

Hindi talaga ako sanay. (Laughs) Kilala nyo naman ako, napaka-soft spoken ko, pero kailangang gawin, eh... Nag-usap kami ni Direk Jay (Abello) na dapat gumawa kami ng iba na mahi-hit yung intensity na gusto amin and not that (puro mura). Pero siyempre, may mura-mura pa rin sa eksena. Hindi naman ako ‘yon, eh, si Red ‘yon,” he said.

Ano ba ang ginawa niiyang paghahanda sa medyo off-beat na role niya sa pelikula?

Hindi naman kailangan ng masyadong paghahanda. Pag-aaralan mo lang naman yung character niya (Red) tapos kung saan siya nanggagaling. Sa tingin ko, okey naman ang kinalabasan,” pagmamalaki pa ng aktor.

Bilang isang award-winning actor, muli kayang mapapansin ng kritiko at ibang award-giving bodies ang pagganap niya sa bagong indie film tulad ng nangyari sa Alagwa noon kung saan nanalo siyang best actor sa Gawad Urian?

“Pag gumagwa kasi ako ng movie, hindi ko iniisip na dapat galingan ko dio kasi puwede akong magka-award dito. Hindi ganu’n, eh. Tira lang ako nang tira. Ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko.

Kung mapansin at ma-nominate, siyempre nakaka-proud talaga. Pero wala akong conscious effort na dapat galingan ko sa pag-arte para sa award,” very humble niyang pahayag.

Mapapanood ang 10 entries sa Cinema One Originals simula Nov. 9 sa Glorietta, Fairview Terraces, Greenhills Dolby Atmos at Trinoma.