• Home
  • Fresh Scoops
  • Chris Tan and Karen Bordador admit I Do exposed “unresolved issues” in their relationship

Chris Tan and Karen Bordador admit I Do exposed “unresolved issues” in their relationship

Chris and Karen say Chad Fontanilla and Sheela Beterbo deserve to win I Do.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/5/2014 6:42 PM
Chris Tan and Karen Bordador admit  I Do exposed “unresolved issues” in their relationship


110514-chrisren_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, muling ipinaliwanag ng I Do couple na sina Chris Tan at Karen Bordador kung bakit nag-backout sila mula sa competition.

Ayon kay Chris, kaya sila sumali sa I Do ay para malaman kung ready na sila   magpakasal. “Discovery weekend” diumano nila ang pagsali sa I Do. Kung kaya naman, napatunayan nila sa I Do, lalo na sa “Love or Lie segment” ng competition na marami pa silang “unresolved issues” na kailangan nilang harapin bago sila magpakasal.

Nang tanungin sila kung ano ang mga unresolved issues na ito, sinabi ni Chris na, “it’s something we don’t want to reveal on TV.”

Ayon sa dalawa, iba ang pressure sa loob ng I Do Village. Para kay Karen, iba ang reality sa loob ng I Do Village kaysa sa “edited” na mundo na napapanood ng mga tao. At base na rin sa mga napagdaanan nilang challenges sa competition, masasabi nila na, “deep down mas deserving si Chad and Sheela na manalo kaysa sa amin.”