Bukod sa pambubuyo ni Luis Manzano, DJ Durano at Marvin Agustin na pakasalan na ni Matteo ang kanyang girlfriend na si Popstar Princess Sarah Geronimo, panay puri rin si Marvin sa ganda ni Sarah. “Ang swerte mo!” ani Marvin kay Matteo.
Nilinaw naman ni Matteo sa kanyang co-stars na hindi pa sila magpapakasal ni Sarah.
Matatandaang sa huling interview ni Matteo sa The Buzz, sinabi ni Matteo na okay na okay ang relasyon nila ni Sarah, at umaasa siya na sana ang singer na ang huli niyang girlfriend.